GINAPI ng umuusbong na baseball power na Lawaan, Eastern Samar ang Agoncillo, Batangas, 3-1 para makaabante sa championship match sa Little League Philippine Series (Junior division) sa Kamagsangkay Culture and Sports Complex sa Pambujan, Northern Samar.
Galing sa makasaysayang swept sa Group A elimination, ipinakita ng mga Lawaan batters ang determinasyon sa kaagahan ng laro bago sinalya ang Agoncillo sa matibay na depensa sa final frame para makuha ng Parker Inciso-managed squad ang panalo.
Haharapin ng Lawaan ang matikas na Tanauan, Batangas sa do-or-tie titular match.
“Victory secured—now, we set our sights on the championship,” pahayag ni Inciso.
Naglalaro sa ilalim ng Samahang Beysbol-Softball ng Lawaan (SBBL),impresibo ang Lawaan sa elimination round kung saan winalis nila ang Group stage via mercy-rule laban sa Maguindanao, 18-0; Davao City (15-10) at host Northern Samar, 14-3. (HATAW Sports)