Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
sexual harrassment hipo

Doktor timbog sa cainta (Inakusahang nanghipo ng dalaga)

ARESTADO sa mga operatiba ng Pasig PNP ang isang 41-anyos doktor na sinabing wanted sa kasong panghihipo noong isang taon, sa bayan ng Cainta, lalawigan ng Rizal, nitong Linggo, 16 Agosto.

Kinilala ni P/Col. Moises Villaceran, hepe ng Pasig police, ang nadakip na kinilalang si Dr. Ian Raymond Antonio, medical doctor, nakatira sa Green Park, Barangay San Isidro, ng nabanggit na bayan.

Dakong 8:30 am, bitbit ng grupo ni P/Lt. Col. Robert delos Reyes, hepe ng Police Detective Unit (PDU) ang warrant of arrest at dinakip ang doktor sa kaniyang bahay sa  #30 Pound St., Green Park, Subd., sa naturang bayan.

Nauna rito, isang taon ang nakalipas nang ireklamo sa kasong panghihipo si Antonio ng hindi na pinangalanang dalagang biktima.

Kahapon, naglabas ng warrant of arrest si Hon. Judge Emelio R. Gonzales lll, Presiding Judge ng Pasig Metropolitan Trial Court Branch 154 sa kasong Acts of Lasciviousness laban sa akusadong doktor.

Dinakip ang suspek na doktor at iniulat na nakapiit sa detention cell ng Eastern Police District (EPD) para sa kaukulang disposisyon.

(EDWIN MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …