MAS tumaas ang respeto ni Neil Ryan Sese sa bike couriers ngayong naranasan na rin niya ang pagde-deliver sa pamamagitan ng pagba-bike para sa kanyang seafood business. Panawagan ng Descendants of the Sun PH star, mahalaga na magbigay ng respeto para sa fellow bikers pati na rin sa mga bike lane para maiwasan ang mga aksidente sa kalsada.
Sa isang documentary ng Padyak Exploration, ibinahagi ni Neil ang isang karaniwang araw sa kanyang buhay bilang isang food courier gamit ang bike sa paghahatid ng mga order.
Anang Kapuso actor, “Unang-una, nakatataba talaga ng puso na nakatutulong ako sa kanila, sa mga rider. Kasi noong una talaga, noong first few weeks nila, ‘yung isa parang naluha pa noong malaki ‘yung kinita niya eh. First day niya, PhP850, parang ganoon. At least ‘yung ganppng bagay parang fulfilling ba na nakatulong ka sa tao.”
COOL JOE!
ni Joe Barrameda