BIGLANG-BIGLA nitong mga nakaraang araw, laman si Frankie PangiIinan, 19, ng mga news at entertainment website. At parang mayroon ng MyHija Movement na ang inspirasyon ay si Frankie. Siya ang pinatutungkulang “hija” na salitang Kastila para sa “anak na babae.”
Hindi lang sa entertainment websites na gaya ng pep.ph at Kami (sa mns.com) naitampok ang anak nina Sen. Kiko Pangilinan at megastar Sharon Cuneta kundi pati na sa Rappler at ANC News. Nasa halos lahat ng entertainment sections din siya ng broadsheets (malalaki at malalapad na pahayagan).
Biglang ininterbyu rin siya nitong mga nagdaang araw ni Sandra Aguinaldo ng GMA 7 at ni Karen Davila ng ANC na cable channel ng ABS-CBN.
At ang lahat ng iyan ay may kinalaman sa pagkontra n’ya sa paninindigan ng ilang mga lalaki na ang mga babaeng nari-rape ay ‘yung mga paseksi kung magdamit. Kabilang sa mga iyon si Ben Tulfo, host ng Bitag.
Si Tulfo ang tumawag na”hija” kay Frankie nang sagutin nito ang post ng half-sister ni KC Concepcion ang post sa Facebook ng police station sa Lucban, Quezon na nagpapayo sa mga babae na huwag lumabas ng bahay na nakaseksing kasuotan para ‘di sila makursunadahang gahasain ng mga lalaking sabik.
Comment ni Frankie sa payo ng mga pulis: “TEACHING GIRLS HOW TO DRESS?? TEACH PEOPLE NOT TO RAPE.” All in capital letters talaga ang isinulat n’ya.
Nabasa ‘yon ni Tulfo at nag-comment na: “Hija, @kakiep83, a rapist or a juvenile sex offender’s desire to commit a crime will always be there. All they need is an opportunity, when to commit the crime. Sexy ladies, careful with the way you dress up! You are inviting the beast.”
Nasundan na ‘yon ng pag-iinterbyu kay Frankie ng newscast na 24 Oras ng GMA 7 at sa newscast ng ANC, ang cable news channel ng ABS-CBN.
Si Aguinaldo ang nag-interbyu kay Frankie sa 24 Oras.
Paninindigan ng dalaga na teenager pa lang: “Kasalanan po iyon ng rapist and it’s as simple as that. Kung wala pong mga rapist, wala pong rape.”
Iginiit din n’yang ang mentalidad ng mga lalaki ang dapat magbago. “To change that thinking, you have to change the culture,” deklara n’ya.
Mas mahaba ang paliwansg n’ya sa interbyu n’ya sa ANC: “The root of the problem is the bigger theme here, which is that rape culture is real. There is a culture that constantly perpetuates this type of over masculinization where they are constantly kind of pushed to talk about their sexuality and be comfortable about their sexuality whereas women are shamed for it constantly.”
Nilinaw n’yang laging talo ang mga babae sa kasalukuyang mentalidad ng mga Pinoy. “There’s no winning when you’re a girl. When you cover up too much, you are teased for being a prude, but if you reveal too much, you are called a slut.”
Tungkol naman sa comment ni Tulfo, iginiit ni Frankie na ‘yon ay “very unprofessionally made.”
Paliwanag n’ya: “He’s not a woman. I don’t think he’s ever experienced any sort of abuse similar to that. I don’t think he’s ever experienced any sort of discrimination through his gender. I don’t think it was within his place to say something like that.”
Ang pagtawag ni Tulfo ng” ‘hija” ay mistulang pagsasabing napakabata pa ni Frankie at wala pang gaanong nalalaman. Hindi naniniwala ang netizens na walang nalalaman si Frankie. Si Tulfo ang tadtad ng panlalait ngayon ng mga netizen dahil sa umano’y kakitiran ng isip nito at mistulang pagkampi sa mga rapist.
KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas