Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bela, ‘di ginamit ang pagiging Padilla (para sumikat)

TOTOONG kamag-anak n mga Padilla si Bela Padilla—pero wala siyang dugong Padilla.

Ang nanay nina Robin Padilla ang kamag-anak ng pamilya ni Bela. “Carino” ang maiden name ng nanay nina Robin na si Eva. Sa pagkakaalam namin, kapatid ng lola ni Bela ang ina ni Robin. Isang foreigner ang ama ni Bela.

So ‘yun nga: totoong kamag-anak nina Robin si Bela—pero walang dugong Padilla ang mahusay at matalinong aktres.

Parang ang nanay ni Robin ang hiningian ng pahintulot ng pamilya ni Bela na gamitin nitong showbiz family name ang “Padilla”. At mukhang proud naman ang mga Padilla kay Bela, lalo pa ngayong nakilala na siya ‘di lang bilang aktres kundi bilang scriptwriter na rin. May balak pa nga yata siyang maging direktor din. O, ‘di ba multi-talented siya?

In fairness to Bela, never naman siyang nag-claim na dugong Padilla siya. Ang sinasabi lang naman n’ya ay kamag-anak siya ng mga Padilla.

Wala na sigurong maiintriga kay Bela para sa promo ng pelikula nila ni Carlo Aquino na Meet Me in St. Gallen, kaya may mga nagpapasaring na fake Padilla siya.

For some reasons, kahit na parang may love scenes sila ni Carlo sa pelikula, walang nakakaisip na i-link sila romantically sa isa’t isa. Mas inili-link pa si Carlo ngayon sa ex n’yang si Angelica Panganiban kaysa kay Bela. Pinapasigaan ang supposed pagpapa-sweet nina Bela at Zanjoe Marudo pero idini-deny nga nila na may romantic attachment sila sa isa’t isa.

Pero maski i-deny nila, sana magharutan pa rin sila sa Instagram at mag-date paminsan-minsan. Puwede naman nilang gayahin sina Xian Lim at Kim Chiu na walang relasyon, pero biglang nagbakasyon sa ibang bansa na sila lang ang magkasama.

So, ‘yun nga, iniintriga na lang ang pagiging walang-dugong Padilla ni Bela.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …