ISANG mabilisang US trip ang gagawin ni boxing icon Manny Pacquiao sa susunod na buwan para i-promote ang comeback fight nito kontra reigning World Boxing Organization welterweight champion Jessie Vargas.
Tutungo si Pacquiao sa Los Angeles para sa September 8 press conference ng kanyang upakan kay Vargas sa November 5 sa Thomas and Mack Center sa Las Vegas.
Makikipagkita si Top Rank promoter Bob Arum kay Pacquiao sa Martes sa kanyang Forbes mansion sa Makati para sa detalye ng kanyang pagbabalik sa ring.
( ARABELA PRINCESS DAWA )