Friday , May 16 2025

Sino nga ba si Hidilyn Diaz?

INSTANT millionaire ngayon si Hidilyn Diaz.

Ngunit alam ba ninyo kung saan nagmula ang 25-anyos na weightlifter na kamakailan ay hinirang na kauna-unahang atletang Pinoy na nagwagi sa Olimpi-yada sa Rio de Janeiro, Brazil?

Sa pagsungkit ng me-dalyang pilak sa women’s weightlifting, pagkakalooban si Diaz ng pamahalaan ng halagang P5 milyon bilang bahagi ng programa ng pagbibigay ng gantimpala sa mga atletang nagbigay ng karangalan sa bansa sa ilalim ng Republic Act (RA) 5186, o ang Incentives Act.

At mayroon pang karag-dagang pabuya mula sa pribadong sektor!

Uulanin ang dalagang tubong-Zamboanga City ng mga regalo, kabilang ang isang house-and-lot mula sa 8990 Deca Homes. Hindi rin dapat ikagulat kung mabig-yan din siya ng bagong sasakyan.

Bukod dito ay magkakaroon pa siya ng endorsement offer, at dito’y tiyak na babayaran din siya nang malaki.

“She’s made the country proud,” wika ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez.

“I have informed the President, through Sec. Christopher Go, to welcome her and all the sports heroes,” ayon sa hepe ng PSC.

Garantisado rin sa ilalim ng RA 10699, o ang amended Incentives Law, na mabibigyan si Diaz ng P5 milyon para sa kanyang breakthrough silver medal sa Olympic Games.

“By law, she’s going to get P5 million from the government. A private corporation, 8990 Deca Homes, will give house and lot to the Rio Olympic medalists, too, as well as token gifts to other Olympians,” dagdag ni Ramirez.

“Today is a great day for Philippine sports. The government through the Philippine Sports Commission congratulates Hidilyn Diaz for winning the silver, our first Olympic medal in 20 years,” aniya.

“Hidilyn proved that we Filipinos can excel against the best in the world. The lady athlete from Minda-nao just made her country proud.”

Ngunit sino nga ba ang dilag na si Hidilyn Diaz?

“Sa kuwarto na lang, may adobo,” pahayag ng mahiyaing weightlifter matapos hainan ng masasarap na pagkain sa kanyang silver medal finish ilang araw ang nakalipas.

Inalala ni Diaz ang hirap ng buhay noong musmos pa siya. Sa edad na 10, nagtitinda siya ng isda at kumikita ng extra sa paghuhugas ng mga pampasaherong dyipni sa lugar na kanyang kinalakihan.

Isang tricycle driver lang ang ama ni Diaz, at pati ang sasakyan nitong panghanapbuhay ay kanyang hinuhugasan at nililinis.

“Naglilinis ako ng jeep. Nababayaran ako ng sampung piso,” aniya. “May pangkain na ako,” naalala din ni Diaz noong nagbubuhat pa siya ng tubig mula sa balon kalapit ng kanilang taha-nan.

“Doon siguro ako lumakas,” aniya.

“Mahirap ang buhay (Life was hard),” sabi ng kauna-unahang babaeng Olympic medalist sa Rio.

At ang karangalan, premyo at pabuyang matatanggap niya ay may pinagla-anan ding aral.

“Para sa mga nangangarap din na maging Olympic champions,” aniya.

Sa kanyang nagawa, winakasan niya ang 20-taon kawalan ng medalya sa Olimpiyada ng Filipinas. At dahil din dito, siya’y gagantimpalaan.

ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

PCAP Chess Champions

Toledo-Xignex Trojans bida sa PCAP

SA WAKAS, nagwagi ang Toledo-Xignex Trojans sa online team chess tournament ng Professional Chess Association …

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *