UUNAHIN maserbisyohan ang mahihirap.
Ito ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay energy secretary Alfinso Cusi, ayon kay DoE spokesman Pete Ilagan sa panayam ng Hataw.
Ipinaliwanag ni Ilagan na naagaw ang pansin ng pangulo sa abang kalagayan ng mahihirap nang mapadalaw kasama si Cusi sa ilang komunidad sa lungsod ng Quezon, Caloocan at Maynila.
Nakita mismo ng punong ehekutibo ang kakulangan sa elektrisidad sa mga nasabing lugar.
“Priority ang mahihirap kasi nasaksihan namin ang malaking pangangailangan ng mga maralita kaya dapat namin matugunan ang problema nila sa accessibility sa elektrisidad,” punto ng tagapagsalita ng DoE.
Sinabi rin ng dating hepe ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na pagtutuunan ng pansin ng adminsitrasyong Duterte sa inisyatiba ni Cusi na maisulong ang paggamit ng energy mix para matiyak ang sapat na supply ng enerhiya at maiwasan ang pagkakaroon mga brownout.
Bukod dito, sinabi ni Ilagan na bibigyang halaga ang wastong pagmamantina ng mga planta ng enerhiya habang pinagtitibay din ang pagtutulungan ng DoE at Manila Electric Company, o Meralco.
ni Tracy Cabrera