Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Iregularidad sa PUP nais paimbestigahan kay Pres. Duterte

“HANGGA’T maaari ay gusto namin lutasin ang mga isyu sa loob ng unibersidad pero parang may martial law nga-yon, bawal magsalita, kahit hindi na namin matiis ang baho, dumi at init, kailangan, tahimik lang kami.”

Ito ang nagkakaisang ipinahayag ng mga lider ng iba’t ibang samahan ng mga estudyante at mga guro sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa panayam ng HATAW kamakailan.

Bago ito, nagmartsa ang mga estudyante at mga guro patungong Malacañang upang magsumbong kay Pangulong Rodrigo Duterte para imbestigahan ang iregularidad sa kanilang paaralan.

Kabilang sa mga nagmartsa ang mga miyembro at lider ngDuterte Youth for Change PUP (DYC–PUP), Unyon ng mga Guro (UGPUP), Samahan ng Manggagawang Janitorial at Samahan ng Janitorial.

Kabilang sa sinasabing iregularidad ang palsipikadong transcript of records ng presidente ng unibersidad na si Dr. Emanuel De Guzman.

Anila, nais nilang iparating kay Duterte na sila ay pinamumunuan ng isang presidenteng kuwestiyonable ang credentials.

Maging ang pagtuturo ng mga propesor ay apektado dahil hindi regular na nagpapasuweldo ang unibersidad.

Dahil hindi regular ang suweldo ng mga propesor, ilan sa kanila ang gumagawa ng sari-ling diskarte na nakaaapekto sa kredebilidad nila bilang guro.

Ayon sa lider at spokesperson ng DYC-PUP, Alexi Tiotangco, sapilitang pinagbaba-yad ang mga estudyante ng Senior High School para sa kanilang uniporme, gayong mayroong inilaan na P11,250 ang Department of Education (DepEd) para sa matrikula, mga libro, at uniporme ng mga naturang estudyante.

“Matagal nang alam ng komunidad ng PUP ang ginagawang kalokohan ng administrasyon, pero natatakot silang magsalita dahil parang martial law ngayon sa loob. Bawal magsalita kundi pag-iinitan ka, lalo na kung empleyado ka o guro lang” ani Tiotangco.

Maging ang mga propesor ay  nakararanas  ng  panggigipit, ayon kina Asedillo at Bondame, mga propesor sa pamantasan.

Bukod sa iregularidad sa sistema ay gustong personal na iapela kay Pangulong Duterte ang umano’y mga inconsistency sa transcript of record ng isang mataas na opisyal ng pamantasan.

Aniya, hindi maaaring palampasin ang isyung ito sapagkat dito nakasalalay ang dignidad ng mga estudyante.

Simula nang mahalungkat ni Bondame ang sensitibong isyu nong 2014, dalawang beses na siyang nakatanggap ng death threat sa pamamagitan ng text messaging.

Una, noong nasabing taon at pangalawa, isang araw bago niya isagawa ang protesta.

Nais din ng dalawang propesor na mawaksi ang palakasan system sa pamantasan.

Paliwanag ni Asedillo, hindi siya binigyan ng load sa pagtuturo nitong semestre kahit ang credentials niya’y Master’s degree.

Samantala, ang mga gurong walang post-graduate degree ay naitalaga pang pinuno ng mga asosasyon sa loob ng PUP.

Nakisimpatya ang mga estudyante at guro sa mga ja-nitor ng PUP na kalimitan ay hindi magawa nang maayos ang kanilang trabaho dahil sa kakulangan ng kagamitan katulad ng tubig at mga gamit panlinis. Muling magmamartsa ang mga guro sa Malacañang upang alamin kung ano ang resulta ng kanilang sumbong kay Duterte.

Tahimik ang tanggapan ng PUP president sa nasabing mga reklamo.

(HATAW News Team)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …