IKINATUWA ng grupong Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK) ang inilabas na temporary restraining order (TRO) ng Supreme Court (SC) laban sa ipinatutupad na curfew o ordinansa ng ilang lungsod sa Metro Manila partikular sa Maynila, Navotas at Quezon City na nagbabawal sa mga menor-de-edad na pagala-gala sa kalye sa dis-oras ng gabi.
Una rito, naghain nitong Biyernes ng Petition for Certiorari ang SPARK para hilingin na ipatigil ang implementasyon ng curfew sa tatlong lungsod.
Ayon kay Atty. Jesus Falcis III, labag sa Konstitusyon ang naturang curfew dahil kontra ito sa isinasaad ng RA 9344 o Juvinile Justice and Welfare Act of 2006.
Pinagkakaitan umano ng naturang ordinansa ang minors ng ‘right to travel’ at kalayaang magbiyahe.
Hindi anila makatarungan na ang magulang ng mga mahuhuling menor-de-edad ang pananagutin sa pagkakasala ng kanilang mga anak.
Sa ilalim ng ordinansa ng Navotas at Maynila, magsisimula ang curfew dakong 10:00 pm hanggang 4:00 am.
Habang 10:00 pm hanggang 5:00 am sa Quezon City.
( LEONARD BASILIO )