Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PAL nasunog sa ere

072416_FRONT

NAPILITANG bumalik sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang Philippine Airlines flight na patundong London, ilang saglit makaraan mag-take off nitong Biyernes dahil sa ‘electronically detected’ na apoy at usok.

Sinabi ni Engineer Octavio Lina, Manila International Airport Authority assistant general manager, ang PAL flight PR 720 patungong Heathrow Airport ay lumipad dakong 1:59 pm lulan ang 170 pasahero kabilang ang flight crews, nang ma-detect ng cockpit flight indicator ang apoy at usok sa isa sa landing gears.

Bunsod nito, napilitan ang piloto na si Capt. Miguel Ben Gomez, na ibalik at ilapag ang eroplano, isang Airbus 340-300,  makaraan ang 18 minuto sa himpapawid.

Inabisuhan ang eroplano ng air traffic controllers na mag-dock sa bay 49 ng NAIA Terminal 2, ayon kay Lina.

Bukod dito, sinabi ni Lina, bilang pag-iingat, agad nag-deploy ng MIAA fire and rescue personnel sa runway makaraan iabiso ng piloto sa mga awtoridad ang kondisyon ng eroplano.

Pagkaraan, ang PAL Flight 720  ay kinansela na nagdulot ng perhuwisyo sa mga pasahero.

Ayon sa mga reporter na nagko-cover sa premier airport ng bansa, tikom ang bibig ng PAL management kaugnay sa seryosong insidente, habang hindi mahagilap ang spokesperson nito na si Cielo Villaluna para magbigay ng komento.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …