Friday , November 15 2024
PANGIL ni Tracy Cabrera

Mayor-cum-President Duterte!

You don’t have to be great to start, but you have to start to be great. — Joe Sabah

PASAKALYE: Ma-LIGAYA pa rin sa mga SANTOS sa pagparada ng kanilang mga colorum na pampasaherong sasakyan sa ilegal na terminal sa Plaza Lawton at sa iba pang bahagi ng Barangay 659-A sa Ermita, Maynila kahit napakasamang eyesore ito sa makasaysayang landmark ng Philippine Postal Corporation (PPC).

Wala bang magawa ang pamahalaang barangay dito? O kaya si Mayor ERAP?

Nagtatanong lang po . . .

LALAGDAAN na ni Pangulong RODRIGO ROA DUTERTE ang Executive Order (EO) ng Freedom of Information (FoI) Bill.

Magandang balita ito para sa atin, partikular na sa hanay ng mga miyembro ng Fourth Estate, o ang media. Bininbin ito ng naunang pangulong AUTISTIC kaya hindi naging malaya para sa mga nangangailangan ang pagkalap ng impormasyon sa mahahalaga at maseselang bagay na may kinalaman o kaugnayan sa ating pamahalaan.

Kung ang ilegal na terminal sa Lawton ay eyesore para sa historic landmark ng PPC, eyesore din ang pinalitang punong ehekutibo ni Pangulong DIGONG. Wika nga po ng inyong lingkod kay Sec. COLOMA, “Mr. Secretary, sa iyo ‘job well done’ pero sa boss mong pangulo, hindi!

Walang sinabi ang 13 naunang pangulo ng ating bansa dahil hindi sila ‘action man’ tulad ng mayor-cum-president DUTERTE!

Ayos!

Mabuhay ka DUTERTE!

KUNG ako sa Commission on Human Rights (CHR), tatahimik na lang sila sa nangyari ngayon, ‘di kasi matakot ang drug persons ‘pag walang namatay. Para sa akin, tama lang na mawala sila kaysa dumami pa ang mga bata na matutulad sa kanila. ‘Pag walang droga, wala ng biktima. ‘Pag walang user, walang pusher. ‘Pag walang droga, walang ma(bi)biktima. Mabuhay ka DUTERTE. Tama lang ikaw (ang) pinili namin. Tuloy (n’yo) lang po (ang) pagsugpo sa salot ng lipunan. Nasa likod n’yo kami. — Anonymous (09502142740, Hulyo 13, 2016)

Idol kita DUTERTE

PAANO sir lumaban ang mga drug user na pinapatay na wala naman silang dalang baril…hindi kaya sila biktima lamang ng mga pulis na may kinalaman sa pagtutulak ng droga? Kaya inunahan na nila para hindi kumanta. Ano ba ang hustisya para sa kanila? Puwede rin po ba patayin ang mga pulis na may kinalaman sa pagtutulak at gumagamit ng droga? Dapat ang batas pantay-pantay. Walang mahirap, walang mayaman. Ganoon din po ang corrupt sa government, patayin din. ‘Yan ang unang nagpapahirap sa bansa natin… Idol kita DUTERTE. Mabuhay ang pangulo. — Jeff ng Tagaytay (09307848599, Hulyo 15, 2016)

* * *

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na [email protected] o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 0939122568 para sa Smart. Salamat po!

PANGIL – Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *