Monday , December 23 2024

Facial recognition camera ikinabit sa NAIA terminals

NAGKABIT ang Boarder Monitoring and Security Unit (BMSU) ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals ng A4 Tech webcam, facial re-cognition camera, sa lahat ng immigration counters sa arrival and departure area para sa mabilis na pagkilala sa mga pasahero.

Sinabi ni Immigration supervisor Mylene Mauricio, 120 facial cameras ang ikinabit nitong nakaraang linggo sa apat terminal ng NAIA para sa mabilis na pagkilala sa dumarating na mga pasahero na itutugma kung may ‘derogatory record’ sa kanilang data na nakaugnay rin sa Interpol, NBI, PNP at sa Foreign Affairs (DFA).

Ayon kay Mauricio, ito ay nakaugnay rin sa Mobile Interpol Network Database Devices (MIND) na unang ikinabit bago ang SUMMIT na maaaring kumilala sa mga indibidwal sa 190 bansa na may ‘derogatory records’ o impostors.

Sa pamamagitan ng facial recognition camera na ‘synchronized’ sa MIND na nakaugnay sa Interpol, magiging madali sa kanilang bahagi na arestohin ang tao o pasahero na wanted sa kanilang bansa o posibleng terorista.

Ayon kay Mauricio, sinusubukan nila kung gaano ka-accurate ang camera at kung gaano kabilis na maili-link sa kanilang server at sa Interpol.

Dagdag ni Mauricio, 120 piraso nito ang dumating nitong unang linggo ng Hulyo at inaasahan nilang marami pa ang maikakabit sa bawat counters ng apat terminals gayondin sa seaports ng bansa.

Kabilang sa MIND ang facial camera database at  inendoso bilang mahalagang border security tool.

Sinabi ni Yoy Balato, dating border chief, “We are working hard in cooperation with the Interpol that no suspected terrorist will enter the country.”

“We are continuously educating our immigration officers (IOs) who are considered as the frontliners of the Bureau of Immigration (BI) at the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals and in other sub-ports of the country on how to handle possible terrorist,” aniya pa.

( JSY )

About JSY

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *