Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lady Leisure puwedeng makasilat

PITONG karera ang bibitawan ngayong gabi sa pista ng Sta. Ana Park (SAP), may nakalaan na carry over para sa mga Pentafecta (P32,729.84) players sa unang takbuhan at sa mga Super-6 (P53,494.35) players naman ay nasa huling karera.

Magandang paglibangan din iyang Pentafecta at Super-6 dahil bukod sa maliit lang ang  kapital ay maganda ang dibidendo, ang gagawin lang ay pagsunod-sunurin ang numero in order ayon sa magiging datingan sa meta (finish line). Dumako na tayo sa paghihimay sa bawat takbuhan.

Race-1 : Bahagyang lamang base sa post position at katamtamang distansiya ang galing sa panalo na si (7) Oh Neng na rerendahan pa rin ni Tong Basilio. Tingin kong maaaring sumilat kapag sinalikwat ay ang kalahok na si (3) Lady Leisure ni Jeff Bacaycay na gumaan ang laban kumpara sa nakaraan. Pagsama ang makakasabay sa unahan na si (5) Dixie Storm ni Viong Camañero Jr.

Race-2 : Sa kasunod na laban ay pamprimera ko ang dala ni Jomel Lazaro na si (4) Exceptional Gee bilang pahabol na handog sa kaaarawan ni Ginoong Ed Gonzales kahapon, panegunda ko si (2) Kitmeister ni Jesse Guce na tatakbo na ngayon sa mas gamay niyang pista ng SAP, panersera ay ang sinubukan na nakaraan na si (6) Asian Beauty ni Den Camañero Jr.

Race-3 : Sa umpisa ng Pick-5 event ay marami ang matulin sa arangkadahan, kaya patagalan ng hininga ang labanan. Puwede ring isama sa inyong listahan ang mga diremate dahil hindi nagkakalayo sa pruweba ang anim na kalahok. Lalagyan ko ng suporta ang mga dehado pa na sina (1) King Of Less ni R.A. Base, (4) Sir Jeboy ni Raffy Landayan at (5) Good Boss ni Tong Basilio.

Race-4 : Puwera abirya at negatibong impormasyon ay malaki ang panalo ng kabayong si (6) Enchanted na papatnubayan ni Dunoy Raquel Jr., kaya solo na lamang ako sa tambalan nila.

Race-5 : Sa ikalimang karera ay patok sa akin ang galing sa magaling na panalo na si (2a) August Moon na sasakyan muli ni Raffy Landayan kasama ng kakuwadra niyang si (2) Best Man ni J.V. Ponce, pabor kasi sa sakay ni Raffy ang distansiya. Kaya solo ulit ako.

Race-6 : Sa penultimate race ay kayang bunuin ng alaga ni Ginoong Cesar Avila Jr. na si (6) Bull Star Rising ang kanyang mga makakalaban dahil ayon sa distansiya, una na siya na makakapuwesto nang maaga at makakapag-paremate. Pero kapag mapalakas naman sa unang dalawang kuwartos ang hinete niyang si Den Camañero Jr. dahil sa maagang pagsugod at pagbitaw ay kita-kita na lamang sila sa larawan pagdating sa meta nina (4) Fire Gypsy ni Miles Pilapil at (5) Appendectomy ni Alan Pare.

Race-7 : Sa pinakahuling karera ay maniguro sa inyong paratingan, tutal naman ay mayroon na tayong natanaw na dalawa hanggang sa tatlong kalahok ang maaaring solohin, kaya idagdag lang kung may iba pa kayong kursunada bukod sa aking mga kukuhanin na sina (7) Buenasnocheseñores ni Miles Pilapil, (6) Quarter Sawn ni Louie Lunar at ang palaging palaban na si (2) Aquila Legis ni Ryan Garcia.

Binabati ko ang mga BKs diyan sa Lean’s OTB ni Ginoong Leo Morales na matatagpuan sa Congressional Ave., lungsod ng Quezon, gayon din sa mga klasmeyts natin sa Mr. Bonjng OTB ni Ginoong Willy Afan Jr. diyan sa McArthur Hi-way lungsod ng Caloocan. Happy racing sa inyong lahat at hinay-hinay lang sa inyong paglilibang.

REKTA – Fred Magno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fred Magno

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …