Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

130 babae naghubad kontra kay Donald Trump

NAGHUBO’T hubad ang mahigit 100 kababaihan bilang pagprotesta sa pag-upo sa White House ni Donald Trump para manungkulan bilang pangulo ng Estados Unidos.

Dumagsa ang mga babae sa bisperas ng Republican National Convention, para basbasan ang New York billionaire bilang nominee ng partido para sa pagkapangulo, makaraang magwagi sa primary race sa kabila ng mga pangambang magbubunsod ito ng pagkakahiwa-hiwalay sa pamahalaan.

“He is a loser,” wika ng photographer na si Spencer Tunick sa panayam ng AFP matapos ang kanyang sunrise shoot ng 130 kababaihang nagsipag-pose nang walang saplot sa katawan. Ang larawan ng isa sa mga nag-pose na babae ang ga-gamitin sa anti-Trump campaign bago ang eleksiyon sa Nobyembre 8.

Nagbigay ng permiso ang may-ari ng larawan, ani Tunick, kaya kahit ipinagbabawal ang ‘public nudity’ sa Cleveland, hindi napanghimasukan ng pulisya ang nude photo shoot.

Binansagang “Everything She Says Means Everything,” nilahukan ang pambihirang photo art ng kababaihang may iba’t ibang hugis, kulay at laki, na hawak ang mga salamin habang nakaharap sa convention center.

Ipinaliwanag sa website ni Tunick na sumasalamin ang mga dalang salamin ng babae sa kaalaman at karunungan ng progresibong kababaihan  at konspeto ng Inang Kalikasan sa convention center, cityscape at horizon ng Cleveland.

Kilala si Tunick sa kanyang mga pambihirang paglalarawan ng mga hubbad na babae at lalaki, ngunit sinabi rin niya sa AFP na naniniwala siyang ito na ang most political shoot na kanyang ginawa dahil naramdaman ni-yang kailangan niyang umaksiyon sa kasalukuygang situwasyon ng politika sa US.

“Hindi sapat na bumoto tayo laban kay Trump sa Nobyembre. May dalawang anak ako at asawa,” aniya.                    “Hindi ako makapaniwala sa lengguwahe at retorika ng galit laban sa kababaihan at mga minority na nagmumula sa Republican Party.”

Idinagdag niya na kai-langan niyang kumilos para makontra ang ganitong uri ng ‘katangahan.’

ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …

Christine Dayrit 60 Dream Holidays Around the World

Lipa City Top Global Destination sa 60 Dream Holidays Around the World ni Cristine Dayrit

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez LIPA, isang lungsod sa Batangas na paboritong local destination ng may …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …