PINAGTIBAY ng Court of Appeals ang hatol na ‘guilty’ laban sa isang opisyal ng PNP na napatunayang protektor ng ilegal na droga.
Sa 45-pahinang desisyon ng CA 15th Division na may petsang Hunyo 29, 2016, kinatigan nito ang hatol na ‘guilty’ ng Bauang, La Union RTC Branch 67 kay Supt. Dionicio Borromeo, dating hepe ng Dagupan City Police, sa kasong paglabag sa Section 8, Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Napatunayan ng korte na si Borromeo ay protektor ng shabu laboratory sa Naguillan, La Union na ni-raid noong Hulyo 9, 2008.
Kinatigan din ng CA ang hatol na ‘guilty’ kay SPO1 Joey Abang sa kapareho rin paglabag.
Ngunit imbes habambuhay na pagkabilanggo, binago ng appellate court ang parusa kina Borromeo at Abang at ginawa lamang itong hanggang 20 taon pagkabilanggo at multa na kalahating milyong piso.
Ang pagbabago sa sentensiya o haba ng pagkabilanggo ay alinsunod sa itinatakda ng RA 9165 na nagpapataw ng parusang hanggang 20 taon pagkabilanggo para sa mga protektor ng ilegal na droga.
( LEONARD BASILIO )