INAAYOS na ang mga papeles at iba pang requirements kaugnay sa pagpasok ng PNP Special Action Force sa New Bilibid Prison (NBP).
Ayon kay DoJ Sec. Vitaliano Aguirre ll, lahat ng prison employees ay isasalang sa retraining, reeducation at reassignment habang ang SAF at Marines ang magbabantay sa national penitentiary.
Sinabi ni Aguirre, makaraan ang gagawing training ay ipakakalat na sila sa pitong bilangguan sa boung bansa.
Bukod sa NBP, may iba pang kulungan ng BuCor na pinatatakbo at ito ang Abuyog Penal Colony sa Leyte, Correctional Institute for Women (CIW) sa Mandaluyong City, Iwahig Prison and Penal Farm sa Puerto Princesa sa Palawan, Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro, San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City, at ang Davao Prison and Penal Farm.
Matatandaan, una nang sinabi na sa Bilibid nanggagaling ang pinamalaking bentahan ng shabu at nakakulong doon ang high-profile drug lords.
HATAW News Team