Friday , November 15 2024

Mag-ama pumalag sa buy-bust, utas

PATAY ang mag-ama makaraan makipagpalitan ng putok sa mga pulis sa isinagawang buy-bust operation sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Agad binawian ng buhay si Arcy Remorado, 43, miyembro ng Commando gang, residente ng 3192 Int. 5, Pilar Street, Tondo, Maynila habang binawian ng buhay sa Ospital ng Tondo ang anak niyang si Eduardo Remorado, ng nasabi ring lugar.

Ayon sa ulat ni PO3 Marlon San Pedro na isinumite kay Senior  Insp. Rommel Anicete, hepe ng Manila Police District Homicide Section, dakong 11:20 p.m. nang maganap ang isnidente sa loob ng bahay ng mga biktima.

Nagpangap na poseur buyer ang isa nilang operatiba at bumili ng shabu na nagkahalaga ng P1,000 kay Arcey.

Nang makatunog ang mag-ama na may kasamang mga pulis ang poseur buyer ay agad silang bumunot ng baril at pinaputukan ng mga awtoridad.

Gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng mag-ama.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang isang paltik na baril at ilang plastic sachet ng shabu.

( LEONARD BASILIO, may kasamang ulat nina Kimbee Yabut at Joana Cruz )

About Leonard Basilio

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *