KAYANG-KAYA talagang paglaruan ng kabayong si Oh Neng ang grupong kinalalagyan niya sa kasalukuyan, kaya walang anuman na iniwan ang mga nakalaban habang nakapirmis lang ang hinete niyang si Jesse Guce. Umentado pa ang tiyempong tinapos na 1:20.8 (07’-23’-23-26’) para sa 1,200 meters na distansiya. Pumangalawa sa kanya ang galing sa hulihan na si Araz, habang tumersera naman ang isa sa nagdala ng ayre na si Wings Of Love.
Sa kasunod na laban ay nakadehado ang kalahok na si Boundary ni Jeko Serrano matapos maagaw kaagad ang unahan sa bumanderang si Endless Love. Sa pagkaagaw na iyon ay wala nang lingunan pa si Jeko kahit na dumating ang couple runners na sina L’Audace L’Audace at Wise Ways. Ipaalala ko na si Wise Ways ay mas dobleng manakbo sa basang pista, kaya tutok lang sa kanya.
Sa ikatlong takbuhan ay nakalusot ang outstanding favorite na si Florida Blanca sa rumemateng si Sunday Surprise ni J.P. Decenilla. Natipid ni Tong Basilio ang kabayong si Princess Ellie sa malakas na hindi gaya nung sa mga unang pangyayari, kaya sa rektahan ay may lakas pa siyang naipang-tapat sa mga rumemate. Si Yona ay nabitin dahil sa maagang pagsugod sa kanya ng kanyang sakay na halos nakipag-sabayan sa harapan.
Kay Borj Kahlifa naman ay tila hinatid lang sa tanaw ng sakay niya iyong nagwagi sa laban, Iisa lang kasi iyang sina Princess Ellie at Oh Neng. Iba ang napanood nating ikinilos ni All For Mama dahil hindi siya ang nagdikta ng bandera. Nadiskartehan din ng maigi ni Miles Vacal Plapil ang napupunto niyang sakay na si Fire Gypsy. Sina Dainty Gal at Little Ms. Hotshot ay nabigyan ng break, kaya sa susunod ay may mga baon na silang lakas.
Maaga pa lang ay matunog na sa info si Run Atop, iyon nga lang ay hindi gaanong nakita sa labanan. Hugandong nagwagi pa rin sa laban ang kabayong si Robert’s Magic ni Ramon Raquel Jr., na nagtala ng tiyempong 1:20.4 (07’-23-23’-26’) sa distansiyang 1,200 meters. Magandang dehado na puwede nang isama ay si Appendectomy.
Sa penultimate race ay naglayas sa unahan ang mababa na sa grupong si King Of Less na dinala ni apprentice rider Ryan Base. Sumegundo ang dehadong si Show Must Go On. Ang kalahok na si Windy Star ay tila nag-aabang lang muna base sa huling dalawang takbo niya, kaya alalay at talasan ang pakiramdam.
Sa huling karera ay maganda ang itinakbo ng dehadong si Big Hitter at sa laki ng kanyang mga hakbang ay nagawa niyang mametahan si Maincore Sunspots. Si Sydney Boy ay biglaan nang sinalikwat, subalit kinulang pa siya sa huling 200 metro ng laban kaya natersero lamang sila ni Jessie Apellido.
REKTA’s GUIDE (Metroturf/6:00PM) :
Race-1 : (6) Alpha Alleanza, (1) Kay Inday, (4) Sky Jet.
Race-2 : (4) Final Impact, (7) Kiss Me/Iwo Jima.
Race-3 : (3) Savannah Bull, (5) Dream Lover, (6) Sir Chief/Pursuitofhappiness.
Race-4 : (4) Bungangera, (3) Bullbar.
Race-5 : (2) Mariz Manpower, (5) A Toy For Us, (1) Patricia’s Dream.
Race-6 : (3) Dramatis Personae, (2) Sweet Daddy’s Girl.
Race-7 : (2) Kimagure, (1) Kolby Boy.
Race-8 : (1) Magic In The Air/Let Itgo Let Itgo, (3) Five Star.
Race-9 : (6) Jersey Savings, (3) Beautiful Lady, (4) Sparemate.
REKTA – Fred Magno