Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinoy chef sa UAE 6-buwan kulong sa prostitusyon

070816_FRONT
PINATAWAN ng anim buwan pagkakakulong ang isang overseas Filipino worker (OFW) kaugnay sa pagkakadawit sa prostitusyon sa United Arab Emirates (UAE).

Ayon sa ulat, isang 29-anyos Filipino chef na nagtatrabaho sa naturang bansa ang sinasabing pumayag na makipagtalik sa dalawang Emirates national sa edad na 21 at 25, nangyari sa isang villa sa Al Barsha noong Nobyembre 2015.

Napag-alaman, makaraan ang pagtatalik, binugbog ng dalawang Emirati ang Filipino chef hanggang nawalan siya ng malay.

Tinangay ng dalawang suspek ang bag ng OFW na naglalaman ng cellphone at perang nagkakahalaga ng 3,000 Dirham, gayondin ang iba pa niyang mga kagamitan.

Base sa pinakahuling report, pinatawan din ni Atty. Fahd Al Shamsi ng Dubai Court of First Instance, ng anim buwan pagkakakulong ang dalawang Emirates national.

Nabatid na ang prostitusyon ay mahigpit na ipinagbabawal sa UAE.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …