Thursday , December 19 2024
PANGIL ni Tracy Cabrera

May pag-asa kay Digong!

You may say I’m a dreamer, but I’m not the only one. I hope someday you’ll join us. And the world will live as one. — John Lennon

PASAKALYE: MINSANG nagbiro si dating Albay Gov. JOEY SALCEDA—kaya raw walang serial killer sa ‘Pinas ay dahil sa tsismoso ang mga Pinoy . . . at gayun din daw ang terorismo dahil tiyak na mahuhuli ang sinumang terorista ditto sa ating bansa kapag natsismis sa kanilang masamang gawain…

Sa ganang amin, may katuwiran ang butihing gobernador na ngayo’y kongresista na ng kanyang distrito.

Bakit ‘ka n’yo?

Nalala pa po ba ninyo iyong mga nahuling foreign terrorist sa Pasay City na kaya nadakip ng pulisya ay dahil sa ‘tsismis‘ ng mga kapitbahay ng mga iyon na may kahina-hinalang kilos at gawain ang mga hinayupak na mga Arabo?

Hindi ba dahil sa tsismis sila natimbog?

MAGPUNTA na tayo sa tunay na nais talakayin ng inyong lingkod…

Kaliwa’t kanan ang suportang tinantanggap ng ating bagong Pangulong RODRIGO ROA DUTERTE… at kaliwa’t kanan din naman ang tinatanggap niyang batikos mula sa kanyang mga kritiko—mula sa mga human rights group at iba pang mga ‘ika nga’y cause-oriented orgs at maging sa Simbahang Katoliko.

Pangunahing dahilan dito’y dahil sa kawalan umano ng respeto ni DIGONG sa buhay. Respect for life in other words. Adhikain ng Buhay party-list ni Congressman LITO ATIENZA.

Subalit sa isang forum sa Malate ay nanawagan si Vice President MARIA LEONOR ‘Leni’ ROBREDO na ibigay ang suporta sa dating alkalde ng Davao City.

Bakit hindi nga ba ibigay muna natin sa kanya ang pagtitiwala?

Sa ganang amin ay bigyan natin ng oportunidad ang bagong pangulo para tuparin ang kanyang mga pangako. Ang Pangil ay umaasa sa kanya dahil sa tingin naming ay may pag-asa kay DIGONG!

Bukang liwayway ng pagbabago

Matindi ang binitawang salita ni Pangulong Duterte sa kanyang speech sa chain of command ng AFP. Tinataya niya ang kanyang buhay at ang kanyang pagkapangulo laban sa mga kriminal ng lipunan lalo na sa mga drug lords.

Saan ka ba naman makakita sa buong mundo na ang drugs ay niluluto sa loob ng kulungan? Eh, di may sabwatan at bayaran sa mga nangyayari. Kunwari lulusubin ng mga opisyales ng Aquino administration ang kulungan yon pala naka timbre na. ‘Yan ang sinasabing Moro-Moro Effect.

Kaya minsan yong pinapalabas sa T.V. at sine ay base sa tunay na pangyayari. Talagang tila telenovela ang effect. Magaling ang mga writers ng mga telenovela sa T.V. Totoong nangyayari sa lipunan.

Kailangang talaga ang mamumuno sa atin ay iyong may political will, may strong determination para magkaroon ng pagbabago. Ito ang sinasabi noon ng isang manghuhula na ang bansang Pilipinas ay uugain ng mga pangyayari. Magigising at muling babangon upang tuwidin ang kanyang pagkakamali. Kapag nakamit na ang katiwasayan at kapayapaan ay lalong sasagana ang bansang Pilipinas. Aba, abanaagan na ang bukang liwayway ng pagbabago. — Paquito  A. Acopio ng Cubao, Quezon City ([email protected], Hulyo 1, 2016)

* * *

PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na [email protected] o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 0939122568 para sa Smart. Salamat po!

PANGIL – Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *