Monday , November 18 2024

Football for a Better Life inilunsad

KASUNOD nang matagumpay na unang taon noong 2015, handa na ang Football for a Better Life (FFABL) para sa ikalawang taon sa paglulunsad ng kanilang programa sa Guingoog City, Misamis Oriental sa Agosto 6 hanggang 7

Ayon kay Little Azkals team manager Albert Almendralejo, bukod sa Guingoog ay gaganapin din ang FFABL sa siyam pang ibang lugar sa bansa, kabilang ang limang bagong training at tournament site, para palaganapin ang kanilang grassroots football development program.

Ang proyekto ngayon ay itatanghal sa ilalim ng Spears Activation, Azkals Foundation, at Pru Life UK sa pakikipagtambalan sa mga lokal na asosasyon ng football, local government units (LGUs) at Gawad Kali-nga Sipag community football program.

Kabilang sa serye ang mga pocket football tournament at klinika na panga-ngasiwaan ni dating Azkal skipper Chieffy Caligdong, at gayon din ang kasalukuyang mga pambato ng pambansang koponan na sina Simone Rota, Amani Aguinaldo at Misagh Bahadoran.

“Pru Life UK supports various causes to help in nation-building, one of them is supporting young athletes like the Philippine Azkals and football grassroots development through the Little Azkals. With the help of other companies, LGUs, and local football groups, we hope to make dreams of ta-lented players and of our nation come true,” ani Pru Life UK president at chief-executive-officer Antonio Manuel De Rosas.

Sa pamamagitan ng FFABL, layuning makadiskubre at matukoy ang mga kabataang may talent sa football mula sa mga lalawigan na kalaunan ay maaaring mapabilang sa Little Azkals, na may pag-asa rin makalahok sa 2019  U 17 World Cup.

Ngayong taon, ang koponan ay lalahok sa 2016 Borneo Football Cup sa Malaysia.

Bukod sa Guingoog, ang iba pang lugar na pagdarausan ng mga torneo at klinika ay sa Dipolog City sa Setyembre 3 hanggang 4; Pagadian City sa Setyembre 24-25; Tagum, Davao del Norte sa Oktubre 24-25 at Baguio City sa Nobyembre 19-20.

Kabilang sa schedule ng FFABL ang Tarlac City sa Setyembre 10-11; Duma-guete sa Agosto 20-21; Laguna sa Setyembre 17-18; Iloilo sa Nobyembre 12-13 at magtatapos sa National Capital Region.

ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *