MARAMING asong may talent, ngunit hindi napapabilang sa ‘man’s best friend’ ang kategorya ng screenwriting.
Ngunit ngayon, salamat sa sa bagong release ng Tarzan movie na The Legend of Tarzan, Lord of the Apes, nakamamanghang malaman na muntikan nang mapanalunan ng isang aso ang Oscar para sa kanyang screenwriting efforts.
Ang nasabing pelikula ay 1984 version ng nobela ni Edgar Rice Burroughs na Greystoke: The Legend of Tarzan, na pinangunahan ni direktor Hugh Hudson ng sumikat na Chariots of Fire.
Naging bida sa nasabing pelikula si Christopher Lambert bilang Tarzan, kasama ang all-star cast na kabilang sina Sir Ralph Richardson, Ian Holm, Andie MacDowell at James Fox.
Habang hindi ito pinarangalan nang husto ng mga kritiko, umani ng ilang nominasyon sa Oscars, kabilang ang Best Screenplay sa 57th awards noong 1985 (Napanalunan ito ni Peter Shaffer para sa Amadeus).
Si Robert Towne, ang eskriba sa mga classic 70s movies na Chinatown at The Last Detail, ang sumulat ng kalahati ng scrip pero dahil sa kabagalan sa pagsusulat at ilang sigalot sa pagsasagawa ng pelikula, tinanggal si Towne at ang napalagay na pangalan ay sa aso ng scriptwriter.
Ang totoo, iyong P.H. Vazak, na siyang binigyan ng kredito sa halip na si Towne, ay kanyang aso, at nanatili itong natatanging asong nanomina sa screenwriting category.
Kinalap ni Tracy Cabrera