Sunday , December 22 2024
dead gun police

2 tulak todas sa enkwentro sa Maynila

PATAY ang dalawang hinihinalang tulak ng droga makaraan maka-enkuwentro ang mga operatiba ng Manila Police District (MPD) sa buy-bust operation sa Sta. Mesa, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang mga napatay na si Renato Badando, alyas Neno, 41, may live-in partner, ng Parcel St., Sta. Mesa, sakop ng Brgy. 630, at isang alyas Panget, 30-35 anyos.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. Dennis Turla kay Senior Insp. Rommel Anicete, hepe ng MPD-Crime Against Persons Investigation Section, dakong 2:00 am nang ilatag ng mga tauhan ni Supt. Santiago Pascual, station commander ng MPD Sta. Mesa Police Station (PS8), ang buy-bust operation sa riles ng tren sa Parcel St., Brgy. 630, Zone 63 sa Sta. Mesa.

Nang mabuking ng mga suspek na pulis ang kanilang katransaksiyon, agad bumunot ng baril si Badando at tinangkang paputukan ang pulis ngunit binaril siya ng mga nakarespondeng parak.

Nagbunot ng baril si alyas Panget ngunit mabilis na pinaputukan ng mga pulis.

 ( LEONARD BASILIO, may kasamang ulat nina Kimbee Yabut at Joana Cruz )

About Leonard Basilio

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *