Friday , November 15 2024

P900-M shabu nahukay sa Cagayan

070516 shabu bato PDEA
IPINAKITA sa media nina Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director Isidro Lapeña, PNP Chief Director General Ronald Dela “Bato” Rosa at Anti-Illegal Drug Group chief S/Supt. Albert Ferro ang nakuhang 180 kilo ng shabu, tinatayang nagkakahalaga ng P900 milyon na nahukay sa isang resort sa Cagayan Valley sa isinagawang press-conference sa Camp Crame, Quezon City kahapon. ( ALEX MENDOZA )

070516_FRONT

UMAABOT sa P900 milyong halaga ng shabu na nakabaon sa isang farm ang nakompiska ng mga awtoridad sa Claveria, Cagayan nitong Linggo ng gabi.

Sa press briefing nitong Lunes, sinabi ni Philippine National Police (PNP) Director Ronald “Bato” Dela Rosa, sinalakay ng Anti-Illegal Drugs Group ang tila abandonadong taniman makaraan makatanggap ng tip mula sa isang concerned citizen.

Sinabi ni Dela Rosa, umaabot sa 180 packs ng shabu ang nahukay ng mga awtoridad sa farm na pag-aari ni Rene de Maya sa Brgy. Culao, Claveria.

Idinagdag niyang ang droga ay nakalagay sa pitong black bags at ice box.

( HNT )

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *