Saturday , November 16 2024

Magpinsan sugatan sa tarak ng brgy off’ls

SUGATAN ang magpinsan nang saksakin ng mga nagpakilalang barangay tanod at barangay kagawad makaraan makabasag ng bote ang mga biktima habang nag-iinoman sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Nilalapatan ng lunas sa Justice Jose Abad Santos General Hospital ang biktimang si Brian G. Camanzo, 20, helper, habang naka-confine sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang kanyang pinsan na si Jeffrey C. Sulamo, 23, kapwa residente ng 1603 A. Rivera St., Tondo, Maynila.

Inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan nang tumakas na mga suspek, sinasabing isang barangay tanod at isang barangay kagawad.

Sa ulat ni SPO3 Paul Vincent Barbosa II, ng Manila Police District (MPD)-Station 2, naganap ang insidente dakong 11:45 pm sa A. Rivera St., kanto ng Mayhaligue St., kamakalawa.

Sa salaysay ni Reynold Jacob, kaanak ng mga biktima, nakikipag-inoman ang magpinsan sa ilang kaibigan sa naturang lugar nang makabasag ang isa sa kanila ng bote ng alak.

Nakatawag ito ng pansin ng mga suspek kaya’t kinompronta ang mga biktima na nauwi sa pananaksak.

Makaraan ang insidente ay mabilis na tumakas ang mga suspek habang isinugod ang mga biktima sa pagamutan ng kanilang mga kaibigan.

( LEONARD BASILIO, may kasamang ulat ni Kimbee Yabut )

About Leonard Basilio

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *