MULING hinirang na kampeon ang Pinay grappler na si Meggie Ochoa sa pagwawagi niya sa katatapos na 2016 World Jiu Jitsu Championship (aka Mundials) sa Long Beach, California.
Sa edad na 26-taon gulang, itinanghal na world champion si Ochoa bilang rooster weight sa blue belt division, na nilahukan ng top jiu-jitsu fighters mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Lubhang ikinatuwa ng dalaga nang pinasampa siya sa top podium bilang kampeon: “It’s surreal. It doesn’t feel real! When my hand was raised, I literally could not believe it just happened! To be honest, it hasn’t sunk in completely yet.”
Inamin ni Ochoa na hindi naging madali ang panalo niya dahil kinailangan niyang talunin ang apat na katunggaling pawang mas mataas sa kanya, pero ka-sing bigat niya ang timbang.
Kinailangan talunin ni Ochoa ang isang taga-Mongolia at Brazil at dalawang Amerikana tungo sa kam-peonato.
Ngayon ay fulltime na siya sa jiu-jitsu at naghahanda na rin sa paglahok niya sa Asian Open sa Japan sa darating na buwan ng Setyembre ng taon kasaluku-yan.
“I’m training hard and maybe I will also join in the Asian Beach Championships come end of September,” wika ng dalaga.
Bilang panghuli, pina-yuhan ni Ochoa ang lahat ng mga nagnanais na lumahok sa sports na ibigay ang buong puso para ma-tiyak ang kanilang tagumpay.
“Huwag kayong matakot sumubok. Matalo man o manalo, ang mahalaga ay lumaban nang buong puso,” pagtatapos niya.
ni Tracy Cabrera