Sunday , December 22 2024

Wind Factor napabor ang laban

HINDI  na napigilan pa ni Tanya Navarosa ang kanyang dala na si Sky Jet nang makasipat ng kaluwagan sa may tabing balya papasok sa ultimo kuwarto, kaya pagsungaw sa rektahan ay nagtuloy-tuloy ang kanilang pagremate hanggang sa mametahan ang kamuntik ng makadehadong si Kay Inday. Ang kalaban nilang si Pati Dilema sakay ng kabayong si Neversaygoodbye ay tila nabantayan ang nasa kanan nilang si Princess Tin, kung kaya’t pagbuka sa huling likuan ay nakasingit tuloy si Sky Jet at nung tangka pa sanang humabol ni Pati ay huli na ang lahat. Kaya magandang laban iyan kung sakaling magkaharap-harap pa sila sa susunod, iyon nga lang ay dipende kung sino ang sasakay kay Neversaygoodlbye.

Sa kasunod na takbuhan ay nakapitas muli ng panalo sa ikalawang pagkakataon. Sayang ang nadehadong si Sea Master dahil kung kailan nakatakbo na siya ay dun pa lamang umulan, doble kasi siyang manakbo sa ulan at basang pista gaya ni Wise Ways.

Sa susunod na pagsali ni Combaton ay puwede na siyang manalong muli, dahil ayon sa ating bubwit ay kinailangan daw muna na mabigo ulit siya kay Keeper Of Grace.

Sa pangatlong karera ay marami ang nakapuna na tila nilaro-laro lang ni Jeko Serrano ang dala niyang si My Bilin, mabuti na lamang ay nandoon ang kakuwadra niyang si Holy Nitro na biglaang rumemate sa kalabas-labasan at nakuhang manalo.

Bawi na lang kay Flight Attendant kapag naisali sa 1,400 meters. Sa sobrang baba sa grupo ay kahit anong layo pa ng pinanggaligan ng kabayong si Muscovado ay nagwagi pa rin ng hugando, bukod pa kasi sa baba ng laban ay malaking kabayo siya, mahaba humakbang at may remate para sa distansiyang 1,400 meters na pinaglabanan.

Malapitan lang nagkatalo pagdating sa meta ang mga may buti rin sa basang pista na sina Clan Leader, Gio Conti at Final Impact ayon sa pagkakasunod. Ang paboritong si Kiss Me ay medyo kuwestiyonable sa nakararami ang nagawang pagdadala sa kanya.

Sa ikaanim na karera ay tila napabor ang laban kay Wind Factor, dahil puro malalamig ang nagawang pagdadala sa mga nakalaban niya. Iyong nagdala ng bandera kay Saint Tropez ay tila nagbibigay pa ng daan at iyong rumemate kuno na Persian princess pagdating sa huling diretsahan ay kitang-kita na binalombon ng husto ni hinete ang renda. Kaya ramdam na ramdam na imbes na umusad pa sa pagremate ay tila nag-menor, kaya naman lumayo ulit si Wind Factor.

Panooring mabuti sa youtube “MMTCI_070216_R06” simula bago pumasok sa medya milya o iyong may poste na may karatulang “1/2”, simula diyan tignan maigi ang pagdadala kina Saint Tropez at pagkakaiba ng pagrenda kay Persian Princess mula sa pagparemate hanggang sa huling diretsahan. Haaist, hindi kaya kailangan na rin ni Mayor Digong na magpalit ng mga tao para sa kapakanan ng industriya ng karera at Bayang Karerista (BKs). O baka naman kailangan na rin pasukuin muna at magbago na, para hindi kayo makasuhan ng administratibo.

REKTA’s GUIDE (San Lazaro/6:30PM)

Race-1 : (4) The Legend, (2) Standout, (6) Global Warrior.

Race-2 : (7) Kitmeister, (6) Chocolate Brownies.

Race-3 : (2) AREMO.

Race-4 : (4) NOH YANA.

Race-5 : (5) XEN YOUNG.

Race-6 : (4) Gracepark Boy, (6) Don Guru.

Race-7 : (2) Doña Nicasia, (1) Firm Grip.

REKTA – Fred Magno

About Fred Magno

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *