Monday , December 23 2024

Anti-poverty initiatives ng INC pasok sa Duterte admin

070416_FRONT
INIUTOS ni Executive Minister Eduardo V. Manalo nitong Linggo sa kabuuan ng simbahang Iglesia Ni Cristo (INC) na paigtingin ang mga anti-poverty initiatives at gawaing socio-civic, ilang araw matapos ang panunumpa ni Pangulong Rodrigo R. Duterte, na nanawagan sa iba’t ibang sektor ng lipunan na magtulungan sa pagsusulong ng interes ng bansa.

Ani INC General Auditor Glicerio B. Santos, Jr., ang balakin ng simbahang palakasin pa ang kanilang outreach programs sa mga nangangailangang komunidad sa buong Filipinas ay tutugon sa panawagan ni Duterte na suportahan ang mga inisyatibang mag-aangat sa kalagayan ng mga Filipino.

Idinaos ng INC ang isa sa pinakamalaking Lingap Pamamahayag nito noong nakaraang Linggo. Namigay ng 100,000 sako ng mga gamit pangbahay at nagsagawa rin ng medical at dental mission sa Moriones, Tondo, Maynila.

Dagdag rito ang entertainment program para sa mga residente, na ginawa sa harap ng kapilya ng INC sa nasabing lugar.

Magkakaroon ng iba’t iba pang katulad na Lingap projects sa ibang bahagi ng mundo ang INC.

Ipinaliwanag ni Santos, “Tama ang Pangulo, makakatulong nang maigi ang ating mga pinuno kung may kaukulang suporta at kooperasyon mula sa taongbayan.”

“Mapalad at pinagpala ang Iglesia Ni Cristo sa kakayanan nitong makatulong sa iba, kaya marapat lamang na ibahagi ng Simbahan ang mga biyaya sa ating mga kakabayan. Handa pong tumulong ang Iglesia Ni Cristo sa pangunguna ng aming Tagapamahalang Pangkalahatan, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo,” diin ni Santos.

Sa kanyang talumpati matapos manumpa bilang ika-16 Pangulo ng bansa noong Huwebes, binigyang-diin ni Duterte na “walang sinumang lider, gaano man kalakas, ang magtatagumpay sa anumang gawaing mahalaga para sa bayan kung wala siyang suporta ng mismong mga taong tungkulin niyang pagsilbihan.”

HATAW News Team

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *