Thursday , May 8 2025

100% PNP revamp ipatutupad — Gen. Bato

TINIYAK ni incoming PNP chief Ronald Dela Rosa, 100 porsiyento nang buong puwersa ng pulisya ang maaapektohan sa nakatakdang balasahan ngayong araw, Hulyo 1, 2016.

Sinabi ni Dela Rosa, mula sa Kampo Crame hanggang sa lahat ng probinsiya at siyudad sa buong bansa ang apektado ng balasahan.

Kinompirma rin ni Dela Rosa, binigyan siya ng kalayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte para magsagawa ng malawakang balasahan.

Ito aniya ay para walang maging hadlang sa kanilang ikakasang operasyon kontra droga.

Tumanggi munang sabihin ni Dela Rosa kung sino-sino ang mga itatalaga niya sa mga posisyon dahil baka magreklamo raw agad ang mga lokal na politiko at mag-umpisang tumawag sa kanya.

Sa ngayon, nakahanda na aniya ang mga papeles ng reassignment at pirma na lang niya ang hinihintay ng mga dokumento.

About Hataw News Team

Check Also

Norzagaray Bulacan police PNP

Sa Norzagaray, Bulacan
PUGANTE NASUKOL SA PINAGTATAGUAN DERETSO KALABOSO

NAGWAKAS ang matagal na panahong pagtatago nang tuluyang mahulog sa kamay ng batas ang isang …

Comelec

Comelec “All systems go” sa eleksiyon sa Lunes

“ALL SYSTEMS GO” na ang Commission on Elections (Comelec) para national and local elections (NLE) …

Abby Binay Pammy Zamora

Kaugnay ng sinabing vote buying sa campaign rally  
Binay, Zamora, inireklamo sa COMELEC

ISANG reklamo ang inihain sa Commission on Elections (COMELEC) laban kina Makati Mayor at tumatakbong …

Blind Item, Gay For Pay Money

Principal, faculty president nagkompirma ng payout para sa Marikina public school teachers

KINOMPIRMA ng isang principal at faculty president ang payout sa Marikina City public school teachers …

Marikina

Tao ni Quimbo, nagsampa ng kaso vs Teodoro

TAO at masugid na tagasuporta ni Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo ang nagsampa ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *