ITINUTULAK ng kontrobersiyal na boxing trainer Freddie Roach na magkaroon ng showdown sina dating world champion Adrien Broner at Pinoy boxing icon Manny Pacquiao, kahit retirado na ang Pambansang Kamao at ngayo’y isa nang senador.
Nagretiro si Pacquiao mula sa boxing matapos ang unanimous decision win kontra kay Timothy Bradley nitong nakaraang Abril at nahalal bilang miyembro ng Philippine Senate makaraan ang isang buwan.
Ngunit hindi pa rin nito napatigil ang mga balitang magbabalik ang kampeon, at dahil na rin sa pagniningas sa init ng sariling trainer ni Pacman.
“It’s a good fight, definitely, style-wise,” pahayag ni Roach sa panayam ng Boxing Scene sa potensiyal na magtanghal ng Pacquiao-Broner showdown.
“(Broner is) a little bit flamboyant and so forth, but he’s not impossible to hit,” paliwanag ni Roach. “He’s no Floyd Mayweather.”
Iminodelo ni Broner ang kanyang sarili kay Mayweather Jr., sa unang yugto ng kanyang career, ngunit ang kanyang relasyon kay ‘Money’ ay naging masa-limuot kamakailan.
Noong nakaraang Abril din, nilabanan ni Broner ang isa sa mga alaga ni Mayweather—si Ashley Theophane—at pinabagsak ito sa ninth round.
Simula noong 2009, hindi na nanalo si Pacquiao sa knockout.
Wala rin balita o reaksi-yon ang People’s Champ ukol sa posibleng pagbabalik sa ring, ngunit ayon sa Boxing Scene, inireserba na ni Top Rank chief executive Bob Arum ang petsa para sa laban sa Oktubre 15 sa Las Vegas.
ni Tracy Cabrera