HINDI na kailangan pang maghanap ng yayakap kung na-lulungkot kayo—dahil narito na si Lee Eun Kyoung, ang designer sa likod ng Free Hug Sofa.
Nakabase sa South Korea, napagtanto ni Lee na maraming malulungkot na tao sa kanyang bansa.
Halimbawa, libo-libo rin ang nagbabayad para makapanood ng mga video feed ng iba habang kumakain para lang maramdaman na hindi sila kumakain nang nag-iisa sa loob ng kanilang tahanan.
Kaya naisip ni Lee, ito na nga ang ‘perfect society’ para sa isang hugging chair.
Gamit ang isang overstuffed design at dalawang malalaking fuzzy arms, nagagawang yakapin ng Free Hug Sofa ang sinumang umupo rito.
Kamukha ito ng Wookie, ang sikat na karakter sa serye ng pelikulang Star Wars na si Chewbacca at nakapag-decide na gawin ang uupo rito bilang bagong best friend.
Ano’ng masasabi mo, Han Solo?
Idinisenyo ni Lee ang silya sa loob ng dalawang taon. Fully customizable ang sofa at cushion nito at maaaring alisin para ihugis sa anumang kagustuhan.
Kaya magiging kapaki-pakinabang ang Free Hug Sofa para sa mga taong naghahanap ng companionship, at puwede rin naman sa mga may sakit at may edad.
Available ito sa kulay pula, gray at puti. Habang nakakatawa ang ideya nito, nakatanggap ang disenyo ng rave reviews mula sa international community.
Partikular na ang tansong medalya para sa Free Hug Sofa na ipinagkaloob sa pambihirang upuan sa 2015 A’Design Award competition.
Sa kanyang acceptance speech, sinabi ni Lee ng Hongik University sa Seoul na “yayakapin ka ng silya tulad ng inyong ina, kaibi-gan, at kasintahan.”
Kinalap ni Tracy Cabrera