Friday , November 15 2024

P3.5-T 2017 budget ipinanukala ng Duterte admin

 KABUUANG P3.35 trilyon hanggang P3.5 trilyon ang ipanunukalang 2017 national budget ng Duterte administration.

Sinabi ni incoming Budget Sec. Benjamin Diokno, sinisimulan na nilang balangkasin ang hihilinging budget sa Kongreso para maisumite agad ito pagkatapos ng unang State of the Nation Address (SONA) ni President-elect Rodrigo Duterte.

Ayon kay Diokno, kailangan nila ang nabanggit na budget para masimulan agad ang mga programang nais ipatupad ni Duterte.

Malaking bahagi aniya ng pondo ay gagamitin sa mga impraestruktura na nasa P1 trillion, at walang mangyayaring underspending para makasabay ang Filipinas sa mga kalapit-bansa.

Mahalaga aniyang mapaganda ang mga paliparan, pantalan, mga kalsada at dagdag na linya ng mga tren dahil napag-iiwanan na ang bansa kompara sa ibang bansa sa Asya.

Tiniyak din ni Diokno, naaayon sa Supreme Court (SC) ruling sa Disbursement Accelaration Program (DAP) ang hihilinging budget.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *