Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

24/7 military ops vs ASG ipatutupad

TINIYAK ni incoming Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Lt. Gen. Ricardo Visaya, kanyang sisiguraduhin na 24 oras sa isang linggo ang ilulunsad na operasyon laban sa bandidong Abu Sayyaf.

Ayon kay Visaya, kanya itong ipatutupad sa sandaling maupo na siya sa puwesto bilang pinuno ng sandatahang lakas ng Filipinas.

Gayonman, sinabi ni Visaya, ayaw niyang magbigay ng timeline kung kailan nila matatapos ang misyon sa bandidong grupo, ngunit gagawin ang lahat para makamit ang kanilang target.

Pahayag ni Visaya, posibleng magkaroon sila nang pagbabago sa kanilang resources.

Tumangging ihayag ni Visaya kung anong military strategy ang kanilang gagamitin laban sa ASG.

Sinabi ni Visaya, matapos ang command conference kay incoming President Rodrigo Duterte sa Hulyo 1 para pag-usapan ang mga susunod na hakbang ng AFP, agad niyang bibisitahin ang militar sa Sulu para personal na alamin at tutukan ang sitwasyon doon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …