Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Serial rapist utas sa kuyog ng taongbayan

KALIBO, AKLAN – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang lalaki na sinasabing serial rapist, nang pagtulungan siyang bugbugin, tagain at pagbabarilin ng taong bayan sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Alas-as, Madalag, Aklan kamakalawa.

Idineklarang patay sa Aklan Provincial Hospital ang biktimang si Abonjo Niñofranco, 46, hiwalay sa asawa, at residente ng Sitio Nailong, Brgy. Mamba sa nasabing bayan.

Batay sa imbestigasyon ng Madalag PNP, hinanap ng mga mamamayan ang suspek mula sa tatlong magkakatabing bayan.

Lumilitaw na naka-istambay ang biktima nang sugurin siya ng mga armadong kalalakihan at pinagtulungang bugbugin, tagain at barilin sa likod hanggang  bumulagta sa pampang ng ilog na kanyang tinakbuhan.

Nagawa pang maisugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Sinasabing halos apat kababaihan na ang ginahasa ng suspek habang dumaraan sa kagubatan, at ilan sa kanila ay mga estudyante.

Ilan pa sa mga kasong kinakaharap ng suspek ay attempted parricide at arson na isinampa ng kanyang misis makaaan sunugin ang kanilang bahay.

Ayon sa ulat, tumatambay sa itaas ng mga punong kahoy ang suspek at kapag may naispatan na pupuntiryahing babae ay tinututukan ng dalang itak saka ginagahasa.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …