Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

6 patay, 9 sugatan sa pagbangga ng jeep sa truck

COTABATO CITY – Patay ang anim katao habang siyam ang malubhang nasugatan makaraan bumangga ang sinasakyan nilang pampasaherong jeep sa isang nakaparadang dump truck sa Maguindanao kamakalawa.

Batay sa impormasyon mula sa pulisya, ang mga biktimang lulan ng pampasaherong jeepney (MWB-489) ay mula sa Tacurong City at patungo sa lungsod ng Cotabato.

Pagsapit sa Brgy. Baka at hangganan ng Brgy. Pinquiaman, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao, bumangga ang sasakyan sa nakaparadang dump truck sa gilid ng national highway.

Apat agad ang binawian ng buhay nang bumaliktad ang jeep habang dead on arrival sa pagamutan ang dalawa pang biktima.

Ang siyam nasugatan ay patuloy na nilalapatan ng lunas sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) sa lungsod ng Cotabato.

Sinasabing dahil sa ulan at madulas na kalsada ang posibleng dahilan ng insidente.

Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga namatay at nasugatan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …