Drug war sa Cavite
Manny Alcala
June 23, 2016
Opinion
SINIMULAN na nang Cavite police ang drug war sa iba’t ibang bayan sa lalawigan kaugnay sa paglaban sa illegal na droga.
Sa buwan kasalukuyan, ilang suspected drug pushers na ang naitumba sa lalawigan ng Cavite.
Nitong Hunyo 21, naka-encounter ng Bacoor, Cavite police dakong 10:30 pm si alias “Orly” sa Tulips St., Villa Esperanza, sa Barangay Molino 2, na-neutralized ang suspect nang manlaban umano sa mga pulis.
Sa bayan ng General Trias, nakasagupa ng joint elements ng Cavite, PAIDSOTG at Gen. Trias MPS ang isang wanted person na may kasong paglabag sa RA 9165 na si Evan Sevilla at ang dalawang kasama na sa Netherland Street, Country Meadow Subdivision sa Barangay San Francisco. Narekober sa kanila ang isang .38 caliber at sachet ng shabu.
Sa bayan ng San Juan, Batangas, napatay ng mga pulis sa isang buy-bust operations sa Barangay Muzon 1, sa San Juan ang suspect na si Jerry Abundo. Matagal na umanong subject ng drug surveillance ang suspect.
Polong corduroy paboritong isuot ni Duterte
Sa pagwawakas ng business forum sa Davao na dinaluhan ng newly appointed cabinet members at mga negosyante, inamin ni elect-president Rodrigo “Digong” Duterte na hindi siya expert sa ekonomiya.
Meaning tapat sa bayan si Duterte.
He he he!!! Talagang paborito niyang isuot ang polong corduroy kahit na kaharap niya ang foreign dignitaries.
Padaplis lang!!! Sindikato ng 1602 sa R-3
NAGKALAT na naman ang mga crooked gambling na peryahan sa lalawigan ng Bataan at Pampanga.
Matatagpuan ang mga sugalan na dropballs at color games sa bayan ng Mariveles sa Bataan, sa bayan ng Dinalupihan, sa Barangay Palmayo sa Porac, Pampanga; sa Poblacion, Sta. Ana, Pampanga at sa Balibago, Angeles, Pampanga. Sina Eugene, Domeng, Nene at Evelyn ang promotor ng sugalan. Paging Chief Supt. RD, Aaron Aquino.
***
NAKIKIRAMAY po tayo kay retired police Col. Gaudencio “BOY” Cordora sa pagyao ng kanyang maybahay na si Magdalena.
Yumao si Magdalena sa edad 68-anyos dahil sa sakit na diabetes at kidney failure.
Ang labi niya ay nasa chapel ng Holy Trinity sa Parañaque City.