Thursday , March 30 2023
fire sunog bombero

300 pamilya biktima ng sunog sa pasay

TINATAYANG aabot sa 300 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na tumupok sa 50 kabahayan sa isang residential area nitong Miyerkoles ng gabi sa Pasay City.

Sa ulat  ng Pasay Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa isang bahay sa E. Rodriguez St., Brgy. 144, na naitala ang unang alarma dakong 7:27 pm.

Naapula ang sunog makaraan ang mahigit apat na oras at walang naiulat na nasaktan o namatay sa insidente.

Agad namahagi ng tulong at pagkain sa mga nasunugang biktima si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano at mga tauhan ng lokal na Social Welfare Development Office (SWDO) at itinakdang evacuation site ang Timoteo Paez Elementary School. 

Ani Calixto-Rubiano, pansamantalang namahagi ang lokal na pamahalaan ng mga modular tents na matitirhan ng mga biktima gayondin ng mga magagamit na toiletries, hygiene kits, beddings, pati na rin ng pagkain para sa mga susunod pang araw.

Kasabay nito, personal na bumisita si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na nagpaabot ng kanyang tulong na nagmula sa nabanggit na ahensiya ng gobyerno.

Nagpasalamat si Calixto-Rubiano kay Tulfo sa pagtugon sa ibang pangangailangan ng mga nabiktima ng sunog.

“Sa mga pagkakataong ganito, kailangang mabigyan sila ng pagkain at matingnan ang kanilang kalagayang pisikal,” ani Calixto-Rubiano. (MANNY ALCALA)

About Manny Alcala

Check Also

Jenine Desiderio

Jenine aktibo pa rin sa pagkanta

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin agad siya nakilala kasi naka-face mask noong makita namin …

Bulacan Police PNP

10 ‘tulak’ sa drug watchlist kinalawit

INARESTO ang 10 indibidwal sa pagpapatuloy ng kampanya ng pulisya sa Bulacan laban sa ilegal …

COMPOSITE SKETCH Marlon Serna

Sa pamamaslang sa hepe ng San Miguel MPS
COMPOSITE SKETCH NG SUSPEK INILABAS

NAGLABAS ang Philippine National Police (PNP) ng composite sketch ng isa sa dalawang suspek na …

Jose Hidalgo Marlon Serna

RD Hidalgo binisita ang burol ng napaslang na hepe ng San Miguel MPS;
Reward para sa mga killers umabot na sa P1.7-M

Nagbigay ng kanyang huling paggalang si Police Regional Office 3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo …

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …