Friday , November 15 2024

CDA sa Customs kuwestiyonable

KULANG ang pondo ng Cooperative Development authority (CDA) para matugunan ang pangangailangan ng 25 libong kooperatiba sa buong bansa kasunod ng kuwestiyon kung bakit sa ilalim ng pangangasiwa ng Bureau of Customs at Finance isinailalim ang naturang ahensiya.

Ayon kay CDA Chairman Orlando Ravanera, kapos na kapos ang kanilang pondo para matugunan ang lahat ng hinaing ng kooperatiba sa bansa.

Ibinunyag ni Ravanera, sa hinihingi nilang P3 bilyon pondo, tanging P300 milyon ang pondong ipinagkaloob para sa taong 2016.

Hindi din naitago ni Philippine Cooperative Center (PCC) Chairperson Hamilcar Rutaqiuo ang pagkadesmaya sa pamahalaan dahil tila napapabayaan ang sektor ng kooperatiba.

Tinukoy ni Rutaqiuo na nasa dalawang milyong trabaho at maraming pamilyang Filipino ang napagkakalooban ng hanapbuhay dahil sa koope-ratiba.

Naniniwala ang dalawa, na malaki ang tulong sa ekonomiya ng mga kooperatiba at maging ang mga mamamamayan na nasa liblib na lugar ay nagkakaroon ng pagkakataong matuto para sa kanyang sariling pagkakakitaan.

Umaasa si Rutaquio, sa ila-lim ng parating na adminitras-yon ng Duterte, mabibigyan ng pansin ang sektor ng kooperatiba sa bansa upang sa ganoon ay lalo pang maiangat ang buhay ng bawat mamamayang Filipino.

Binigyang-linaw ni Rutaquio na malaking tulong ang isang matatag na koope-ratiba sa Mindanao  upang makamit ang kapayapaan lalo na’t magdadala ng hanapbuhay para sa mga mamamayan doon na isa mga dahilan ng pag-aaklas ng ilan nating mga kababayang Muslim.

Iminungkahi rin ng grupo ang pagtatatag ng tinatawag na Department of Cooperative na higit na tututok sa mga kooperatiba.

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *