KABILANG ang isang 7-anyos Filipino, unang napaulat na nawawala nitong nakaraang linggo, sa mga napatay sa Barcelona attack, ayon sa ulat ng Department of Foreign Affairs, kahapon. “According to Chargé d’Affaires Emmanuel Fernandez, the Philippine Embassy in Madrid was informed of the boy’s demise by his family after his father positively identified his remains,” pahayag ni Foreign Affairs Secretary Alan …
Read More »Tsekwa arestado sa kidnap (Korean 10-araw ikinulog sa condo)
ARESTADO ang isang 28-anyos Chinese national sa follow-up operation ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa Ermita, Maynila, makaraan ireklamo ng pagkidnap sa isang Korean national. Ayon sa ulat ni MPD-General Assignment and Investigation Section (GAIS) chief, Insp. Joselito De Ocampo, kinilala ang suspek na si Gong Yu Gia, Chinese national, at tubong Fujian, China, nanunuluyan sa Pan …
Read More »Pinoys bilib pa rin kay Duterte (Kahit gamitin si Kian vs drug war)
KOMPIYANSA ang Palasyo, bilib pa rin ang mga mamamayan kay Pangulong Rodrigo Duterte kahit gamitin laban sa kanya ng mga kritiko ang pagkamatay ng 17-anyos sa anti-illegal drugs operation ng pulisya sa Caloocan City. Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo kahapon, inaasahan na ng Malacañang ang pagsawsaw ng oposisyon sa isyu ng pagkakapatay kay Kian delos Santos, ang …
Read More »Talayan Village fire victims, ire-relocate ng PRRC
Lubos ang kalungkutang nadama ni Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) Executive Director Jose Antonio “Ka Pep” E. Goitia matapos ang malaking sunog na tumupok sa kabahayan at nakaapekto sa 700 pamilyang naninirahan sa Talayan Village sa Quezon City. Sa loob lamang ng apat na oras, nasunog ang dikit-dikit na mga bahay sa Calamba St., Extension ng Barangay Talayan, nakaraang Biyernes …
Read More »Imbestigasyon sa Kian case iniutos ni Digong
IPINAG-UTOS ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan sa pulisya na magsumite ng masusing imbestigasyon hinggil sa naganap na ‘pagpaslang’ sa isang 17-taong-gulang na Grade 11 student noong Miyerkoles ng gabi sa naturang lungsod. Isang parallel investigation ang nais mangyari ng alkalde na pangungunahan ng Caloocan Peace and Order Council hinggil sa pagkamatay ng estudyanteng si Kian Loyd Delos Santos. Ang …
Read More »120 katao arestado sa OTBT ops sa Pasig
UMABOT sa 120 katao ang hinuli ng mga pulis sa One Time Big Time operation sa Pasig City, karamihan ay mga tambay sa kalsada na walang pang-itaas na damit, ayon sa tala ng Pasig Philippine National Police (PNP). Ang mga nabanggit ay inaresto simula nitong gabi ng 19 Agosto hanggang umaga ng 20 Agosto, dahil sa paglabag sa iba’t ibang …
Read More »Pamilya ng natokhang umalma vs bintang na pusher (Sa Quezon City)
NAPAGKAMALAN lang, ito ang paliwanag ng mga kaanak ng isang lalaking sinasabing may diperensiya sa pag-iisip na napatay ng mga pulis sa isang operasyon kontra ilegal na droga kamakailan. Napatay si Leover Miranda, 39, makaraan umanong manlaban habang inaaresto ng mga pulis malapit sa kanyang bahay sa Quezon City noong 3 Agosto. Wala sa drug watchlist si Miranda, ayon sa …
Read More »P30-M jackpot sa Grand Lotto 6/55 sapol nitong Sabado
MAY tumama na sa P30 milyon jackpot ng Grand Lotto 6/55 ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa draw nitong Sabado ng gabi. Ang winning combination para sa 6/55 jackpot ay 03-44-25-07-55-52. Samantala, walang nanalo sa P20,727,800 jackpot ng Lotto 6/42 nitong Sabado. Ang winning combination para sa 6/42 jackpot ay 35-37-29-16-11-06.
Read More »Sandy Cay ‘di isusuko ng PH sa China
TINIYAK ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., hindi isusuko ng Filipinas ang paghahabol sa Sandy Cay kahit inaangkin ito ng China. Sa text message sa media, kinompirma ni Esperon na lumapit nang husto ang mga tropang Tsino sa Pag-asa Atoll o Sandy Cay ngunit hindi nila ito sinakop, taliwas sa pahayag ni Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na …
Read More »Pinoys ‘wag maging makasarili — Duterte (Sa 34th death anniv ni Ninoy)
DAPAT maging aral sa mga Filipino ang mga ginawa ni dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino, Jr., laging unahin ang kapakanan ng nakararami kapag ito ang kailangan ng sitwasyon kahit maging katumbas ng panganib sa ating buhay. Sa kanyang mensahe sa ika-34 anibersaryo ng pagpatay kay Aquino, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang kasaysayan ang testigo kung paano ang trabaho ng …
Read More »Utos ng DoJ: NBI pasok sa kaso ni Kian
INATASAN ng Department of Justice (DoJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang pagkamatay ng 17-anyos na si Kian Loyd Delos Santos. Sa department order na inisyu nitong Biyernes, inatasan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang NBI na imbestigahan at magsagawa ng case build-up sa pagkamatay ni Delos Santos, na napatay sa anti-illegal drugs operation sa Caloocan City …
Read More »Kian ‘drug courier’ ng ama, uncles — Dela Rosa
INIHAYAG ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Ronald dela Rosa, ang Grade 11 student na si Kian Loyd Delos Santos ay nagsilbing drug courier ng kanyang sariling ama at ilan niyang tiyuhin, base sa impormasyon mula sa hepe ng Caloocan City police. Dagdag ni Dela Rosa, ayon sa impormasyon mula sa intelligence community, ang ama ni Delos Santos …
Read More »Ka-deal sa droga ni Kian inilabas
INIHARAP sa mga mamamahayag ng Philippine National Police (PNP) nitong Linggo ang isang “tulak ng droga” na sinasabing nakakatransaksiyon ni Kian Lloyd Delos Santos, ang Grade 11 student na napaslang kamakailan sa operasyon ng pulisya. Salaysay ng sinasabing drug pusher na si Renato “Nono” Loveras, dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo niya nakakatransaksiyon si Delos Santos. Tahasang sinabi ni …
Read More »Murder cases sa QC tumaas sa drug-related killings
INIHAYAG ni Quezon City Police District (QCPD) chief, Director Guillermo Eleazar, ang pagtaas ng bilang ng murder cases sa lungsod ay dahil sa drug-related deaths. “Kung ico-compare sa previous year, talagang tumaas siya [murder]. Pero ang tinitignan namin ay ang tumaas ay yung mga drug-related murder cases,” pahayag ni Eleazar. Ang ipinaliliwanag ng QCPD chief ay hinggil sa halos 100 …
Read More »Palasyo nakiramay, atake sa Barcelona kinondena
NAKIRAMAY ang Palasyo sa mga biktima nang pag-atake ng isang van sa Barcelona, Spain na ikinamatay ng 13 katao at ikinasugat nang mahigit 100 iba pa. “Our hearts and prayers go out to the families and loved ones of the innocent victims who pe-rished and those who got injured in Barcelona,” pahayag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella kahapon. Nakikiisa aniya …
Read More »6 Pinoy sugatan sa Barcelona attack
TATLO pang Filipino ang iniulat na nasugatan makaraan ararohin ng van ang karamihan ng mga tao sa Spanish City, sa Barcelona nitong Huwebes ng gabi. Sa kabuuan, umabot na sa anim Filipino ang sugatan kasunod ang naunang ulat na kabilang sa mga nasugatang mga biktima ang isang amang Filipino at kanyang dalawang anak na pawang Irish citizens. Ayon kay Philippine …
Read More »10 bus terminals ipinadlak ng MMDA
IPINADLAK ang sampung bus terminal sa kahabaan ng EDSA, Quezon City kahapon, ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kaugnay sa hindi pagsunod sa panuntunan ng ahensiya at paglabag sa regulasyon ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng lungsod. Nanguna sa operasyon si MMDA Chairman Danny Lim, katuwang ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB), at Quezon City BPLO …
Read More »Pulis patay sa anti-drug ops sa Cebu (Nasa drug list ni Digong)
TALISAY CITY – Patay ang isang pulis at kanyang misis sa anti-illegal drugs operation sa Brgy. Pooc, Talisay City, Cebu, nitong Martes. Si PO3 Ryan Quiamco ay nalagutan ng hininga sa pinangyarihan ng insidente, habang ang misis niyang si Rizalyn, ay idineklarang dead-on-arrival sa ospital. Ayon sa pulisya, ang transaksiyon ay dapat maganap sa South Road Properties, ngunit biglang nagpaputok …
Read More »Pagpapasara sa MMDA Worker’s Inn pinalagan
NAGKAROON ng tensiyon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Workers Inn o Gwapotel sa Bonifacio Drive, Maynila makaraan puwersahang palabasin at paalisin ang mga nanunuluyan at mga concessionaire roon. Nabigla sila nang isara ng mga security guard ang inn at ipaskil ang notice na sarado na ito dahil sa safety pre-caution. Umalma ang mga naninirahan dito lalo’t ito lamang ang …
Read More »Drug store lumabag sa Senior Citizen Act
INAMIN ni Atty. Teresa Mikaela Macaspac ang legal services officer ng kompanyang Mercury Drug, na kanilang ipinapasa sa drug manufacturers ang mga diskuwento ng bawat customer nilang senior citizen, na maituturing na paglabag sa isang probisyon ng Senior Citizens Act. Ang pag-amin ay ginawa ni Macaspac sa kanyang pagdalo sa pagdinig ng House Committee on Trade and Industry na pinamumunuan …
Read More »27 dalagita nasagip, 4 bugaw kalaboso (Sa bar sa Maynila)
NASAGIP ng pulisya ang 27 menor-de-edad mula sa dalawang KTV bar sa Tondo, Maynila, nitong Miyerkoles ng gabi. Ayon sa ulat, sinalakay ng police Anti-Human Trafficking Division ang mga naturang lugar dahil sa impormasyong sangkot sa flesh trade. Ayon sa isang dayuhan, ibinibenta rito ang mga babae sa mga parokyanong dayuhan o negosyanteng Filipino sa halagang P2,000 hanggang P3,000. Umaabot …
Read More »Babaeng kagawad ng Tondo utas sa ambush sa Valenzuela
PATAY ang isang babaeng barangay kagawad ng Tondo, Maynila, habang sugatan ang dalawa niyang kasama makaraan pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang riding-in-tandem sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Hindi umabot nang buhay sa ospital si Kagawad Mildred Cabal, 45, residente sa Fermin Tubera St., Brgy. 254, Tondo, Maynila, habang ang kanyang driver na si Aurelio Enriquez, 47, taga-Bambang St., Sta. …
Read More »Richard Gutierrez sinampahan ng kasong perjury, falsification ng BIR
SINAMPAHAN ng mga kaso ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang aktor na si Richard Gutierrez nitong Miyerkoles kaugnay ng kanyang umano’y pag-iwas sa pagbabayad ng buwis. Sa reklamong inihain sa Department of Justice (DoJ), nagsampa ang BIR laban kay Gutierrez ng pagsusumite ng pekeng annual income tax return, anim bilang ng pagsusumite ng pekeng quarterly value-added tax (VAT) returns, …
Read More »Babala ni Duterte sa AFP at PNP: Maging handa vs NPA
NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis at militar sa pagiging aktibong muli ng New People’s Army (NPA). Ayon sa Pangulo, kailangan baguhin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang doktrina bilang paghahanda kontra mga rebelde. “Be careful with the NPAs also. They are very active,” sabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Ozamiz City kahapon. “Sabi …
Read More »25 patay sa 24-oras anti-crime ops sa Maynila (Bulacan ‘di titigil sa operasyon kontra droga)
UMABOT sa 25 katao ang napatay sa magkakahiwalay na anti-crime raids sa Maynila nitong Huwebes, halos 24 oras makaraan ang anti-drug operations na nagresulta sa pagkamatay ng 32 katao sa lalawigan ng Bulacan, ayon sa ulat ng pulisya kahapon. Sinabi ni Supt. Erwin Margarejo, Manila Police District spokesman, nagsagawa ang mga pulis ng 18 operasyon sa Maynila na nagresulta sa …
Read More »