Wednesday , June 29 2022
dead gun police

Dating TV reporter, habal-habal driver patay sa pamamaril

BINAWIAN ng buhay ang isang dating reporter ng ABS CBN Cotabato at isang dray­ber ng habal-habal nang pagbabarilin ng mga suspek na nakasakay sa motorsiklo sa Barangay Rosary Heights 4 sa lungsod ng Cotabato, nitong gabi ng Miyerkoles.

Kinilala ni P/Maj. Ramil Villagracia, Police Station 2 com­mander, ang mga bikti­mang sina Archad Ayao, 28, dating reporter at residente sa Teksing, Old Market area, Barangay Poblacion 6, kasalukuyang nagtatrabaho sa Bangsamoro Regional Human Rights Commission (BRHRC); at Pio Orteza, 42, drayber ng habal-habal, taga-Purok Dimasiray, Rosary Heights 4.

Ayon kay P/Maj. Villa­gracia, nakasakay sa motor­siklo si Ayao na minama­naheo ni Orteza nang barilin siya sa ulo habang binabag­tas ang Don Ramon Rabago Avenue, na nasa harapan ng Cotabato City Engineering District Office dakong 6:10 pm nitong Miyerkoles.

Nabatid na 50 metro ang layo ng pinangyarihan ng krimen mula sa Police Station 2 na nasa kanto ng Sinsuat at Ramon Rabago avenues.

Parehong tinamaan ng bala ng baril ang ulo ng dalawang biktima at idine­klarang dead-on-arrival nang dalhin sila sa paga­mutan ng mga pulis na nagresponde sa insidente.

Narekober ng mga im­bes­tigador ang dalawang basyo ng bala ng kalibre .45 baril sa lugar ng insidente.

Ikinabigla ni Laisa Alamia, dating executive secretary nang noo’y Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), nang malaman ang pagkamatay ni Ayao.

“Unbelievable, another senseless death! To your family, friends and loved ones, may Allah grant you peace to bring comfort, courage to face the days ahead. May justice be served, if not in this world, then in the hereafter,” paha­yag ni Alamia sa kaniyang Facebook post.

Nagkatrabaho noon ni Alamia si Ayao at inilarawan ang dating katrabaho bilang “committed human rights and social worker, an emergency responder, a trainer, faci­litator. Young, witty, so full of life. Kind, efficient, hard­working.”

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Sa Nueva Ecija
MOST WANTED RAPIST NASAKOTE

SA PINATINDING Manhunt Charlie operation, nadakip ng mga awtoridad ang top most wanted person (MWP) …

Bulacan Police PNP

Sa pitong araw na SACLEO sa Bulacan
P1.1-M DROGA NASABAT, 413 PASAWAY TIMBOG

NASAMSAM ang mahigit sa P1.1-milyong halaga ng ilegal na droga habang nadakip ang 413 law …

sea dagat

Bangka tumaob sa dagat
4 MANGINGISDA NALUNOD, PATAY ISA NAWAWALA

APAT mangingisda ang nalunod at namatay habang hindi pa nahahanap ang isa, matapos tumaob sa …

Sa San Pablo Laguna, 2 MOST WANTED SA ARESTADO

Sa San Pablo Laguna,
2 MOST WANTED SA ARESTADO

NASAKOTE ng mga awtoridad ang dalawang nakatalang most wanted person ng lalawigan ng Laguna sa …

nakaw burglar thief

Mag-utol timbog sa panloloob sa e-bikes shop

BULILYASO ang dalawang lalaking mag-utol nang mahuli ng mga awtoridad habang nagnanakaw sa isang e-bikes …

Leave a Reply