Saturday , June 22 2024

Pangunguna sa Pulse Asia survey, ipinagpasalamat ni Sen. Grace Poe

KAPWA nanguna sina reelectionist senators Cynthia Villar at Grace Poe sa magic 12 ng mga posi­bleng manalo sa May 2019 senatorial elections, base sa pinakabagong Pulse Asia survey.

Sa survey na isina­gawa nitong 10-14 Abril, na binubuo ng 1,800 respon­dents, napag-alaman ng Pulse Asia na 14 sa mga kumakandidatong senador ang may statistical chance na manalo sa May 2019 elections.

Karamihan sa mga posibleng manalo ay kasa­lukuyan at dating miyembro ng Kongreso at kabilang sa kanila, 10 ay tumatakbo sa ilalim ng Hugpong ng Pagba­bago coalition, habang ang ibang posibleng manalo, ang isa ay tumatakbong independent at ang tatlong iba pa ay sa ilalim ng tatlong partido — Nationalist People’s Coalition, United Nationalist Alliance, at Liberal Party.

Nasa una at ikalawang puwesto sina Villar, 51.7 porsiyento; at Poe, 50.5%, kapwa reelectionists. Si Villar ang pumangalawa sa March survey, habang si Poe ay nananatiling nangu­nguna.

Nagpasalamat si Poe dahil statistically tied sila ni Villar at base sa survey ay maraming papasok na babae sa Senado.

“Ako, masaya talaga ako. Ako’y masaya at nagpa­pasalamat sa ating mga kababayan kasi bagama’t wala akong partido ay nananatili pa rin ako sa isip nila basta siyempre tuloy-tuloy lang dapat ang pag-iikot; paglalahad ng platapor­ma at kung ano pang nais nating gawin para sa ikabubuti ng ating bayan,” diin ni Poe sa rally kama­kalawa sa Biñan, Laguna at Carmona,Cavite.

Iginiit din ni Poe na kailangang maging balanse ang bilang ng babae at lalaki sa Mataas na Kapulungan.

“Kailangan naman natin talaga ng marami pang kababaihan sa Senado,” ani Poe. “Kasi anim lang kami sa Senado na mga babae ngayon, pero siyempre alam mo naman ang mga kaba­baihan, marami rin naman tayong nais isulong na maka­tutulong rin sa ating mga pamilya, ating mga pangangailanagan sa trabaho, pagdating na rin sa pag-aalaga ng panga­ngailangan ng ating mga kababayan.”

 

About hataw tabloid

Check Also

Samuel Pabonita Pasay Police

POGO sa Pasay, krimen walisin — Pasay cop

INAMIN ni Pasay City Chief of Police Col. Samuel Pabonita, malaking bagay para sa seguridad …

3,000 Caviteños Cayetano DSWD

3,000 Caviteños nagpasalamat sa suporta mula sa mag-utol na Cayetano at DSWD

PINAIGTING ng mga tanggapan nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano ang kanilang pagbisita sa …

062124 Hataw Frontpage

Indigenous gas dev’t bedrock ng PH sa kinabukasan ng enerhiya — Prime Energy exec

TAHASANG sinabi ng isang executive officer ng Prime Energy Resources Development (Prime Energy) na hindi …

062124 Hataw Frontpage

2 medyas na puno ng dolyares nawalis sa NAIA3

HATAW News Team TINATAYANG P1.1 milyon ang halaga ng mga dolyares na nadiskubre sa dalawang …

shabu drug arrest

2 tulak huli sa Malabon, Vale buybust

DERETSO sa hoyo ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos matimbog sa magkahiwalay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *