Monday , November 25 2024

News

Formula ni Goma ginagad ni Año (Bawal ang home quarantine)

GINAYA ni Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Disease member at DILG Secretary Eduardo Año ang “Goma’s formula” o ang pagbabawal ni Ormoc City Mayor Richard Gomez sa home quarantine para labanan ang coronavirus disease (COVID-19).   Inihayag kahapon ni Año, hindi na papayagan na isailaim sa home quarantine ang COVID-19 patients sa Cebu at ilalagak …

Read More »

Untouchable? Palasyo deadma sa petisyon ng Cebuanos vs. Dino

MAY tiwala pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte kay Presidential Assistant for the Visayas Mike Dino kahit isang petisyon ang umuusad na humihiling na ipatanggal siya sa puwesto dahil sa umano’y pag-abuso sa kapangyarihan at sinabing pagkakasangkot sa iregularidad sa P1-bilyong pondo ng Cebu City kontra COVID-19. Sa Palace virtual press briefing kahapon, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, habang …

Read More »

Coronavirus dahilan ng long-term organ damage

ISINAMA na ang pinsala sa ilang internal organ sa mga potensiyal na masamang epekto ng COVID-19, ayon sa nga Chinese health expert. Naging dahilan ito para palawigin ang insurance coverage para sa mga pasyente habang patuloy ang pagkalat ng sakit. Sa mga guideline mula sa National Health Commission, kinakailangan ng ilang COVID-19 patients na naka-recover ang paglunas sa pinsala sa …

Read More »

‘Di awtorisadong pista sa gitna ng lockdown nakalusot sa Cebu

NAGLUNSAD ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy kung sino ang nagbigay ng permiso sa ginanap na pista sa Sitio Alumnos, Barangay Basak San Nicolas, sa lungsod ng Cebu, noong Sabado, 27 Hunyo sa gitna ng umiiral na mahigpit na lockdown upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19). Ayon kay P/BGen. Albert Ignatius Ferro, direktor ng Police Regional Office in …

Read More »

8 adik nag-pot session sa footbridge timbog (Sa Mandaluyong)

drugs pot session arrest

KALABOSO ang walong katao nang mahuli sa aktong sumisinghot ng shabu sa isang footbridge sa Shaw Boulevard, Barangay Highway Hills, sa lungsod ng Manda­luyong noong Huwebes ng gabi, 25 Hunyo. Kinilala ang mga suspek na sina Allan Garcia, 39 anyos; Rowell Santos, 33 anyos; John Carlo Ocampo, 34; Ryan Mendoza, 30 anyos; Lester Caalim, 28; Andrew Aday; Jose Panganiban, 21 …

Read More »

7 close contacts ng LSIs sa Naga nagpositibo sa Covid-19

Covid-19 positive

POSITIBO sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) nitong Linggo, 28 Hunyo, ang pitong residente ng lungsod ng Naga, lalawigan ng  Camarines Sur, na nag­karoon ng close contact sa locally stranded individuals (LSIs) mula sa bayan ng Naic, sa lalawigan ng Cavite. Dagdag ito sa dala­wang naunang close contact na nagpositibo sa SARS-CoV-2, virus na sanhi ng COVID-19, noong Sabado, 27 Hunyo. …

Read More »

Mga guro bigyan ng laptop — solon

deped Digital education online learning

SA PANAHON ng pandemyang COVID-19, maraming kompanya ang nagpatupad ng patakarang work-from-home (WFH) kaya minarapat ng pamahalaan na sa bahay na lamang din umano ang mga estudyante. Iginiit ni Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera sa Malacañang na bigyan ang mga guro ng laptop upang masigurado na makapagturo sa pamamagitan ng internet. Ani Herrera, maaaring isama sa darating na pambansang budget …

Read More »

Himok sa IATF at CAAP: 167,000 OFWs abroad pauwiin na — Kamara

OFW

HINIMOK ng House of Representatives committee on public accounts ang Inter-Agency Task Force (IATF) laban sa COVID-19 at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na payagan umuwi ang 167,000 overseas Filipino workers (OFWs) na nabibinbin sa labas ng Filipinas. “Our modern-day heroes have been stuck in their host countries since the coronavirus outbreak three months ago. They are now …

Read More »

980 UV Express aarangkada ngayong Lunes

AARANGKADA na sa mga lansangan ngayong Lunes ang 980 UV Express units. Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra, ang mga  UV Express units na bumibiyahe papunta at palabas ng Metro Manila at mga kalapit na lalawigan, ay maaari nang mag-operate sa 47 ruta, nang hindi na kinakailangan pang mag-aplay ng special permits. Sinabi ni …

Read More »

Chinese arestado sa pananaksak ng kababayan

knife saksak

NAHAHARAP sa reklamong attempted homicide ang isang Chinese national nang saksakin ang human resources manager na kaniyang kababayan, sa Barangay Alabang, Muntinlupa City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang suspek na si Liangqi Zou, 28, tubong Liaoning, China, ng Lot 5 Block 2 Crisos­tomo Ibarra Street, Rizal Village, Barangay Ala­bang, Muntinlupa City. Ginagamot sa Asian Hospital ang biktimang si Yihao Bu, …

Read More »

3 arestado sa baril at shabu

shabu drug arrest

ARESTADO ang tatlong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang isang bebot matapos makompiskahan ng baril at shabu sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang naarestong suspek na sina Ricardo Cabida, alyas Cardo, 47 anyos, electrician, ng C4 Road, Barangay Tañong; Rolando Zacarias, …

Read More »

Universal Healthcare Law ipaglalaban ni Sen. Bong Go

TINIYAK ni Senator Christopher “Bong” Go sa sambayanan na ipaglalaban niya ang pagpapatupad ng Universal Healthcare Law sa kabila ng concerns sa batas na awtomatikong  nag-i-enrol sa lahat sa PhilHealth National Health Insurance Program. Sinabi ni Go, ipaglalaban niya ang naturang batas dahil mahalaga ang kalusugan ng lahat lalo ngayong nahaharap ang bansa sa pandemyang COVID-19. Tiniyak ng Senate committee …

Read More »

Oust Mike Dino, hirit ng Cebuanos kay Duterte (P1-B anti-COVID-19 budget ng Cebu imbestigahan)

PATALSIKIN si Mike Dino bilang presidential assistant for the Visayas. Inihirit ito ng mga Cebuano kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng online petition na may titulong “Replace OPAV Dino” na pinangunahan ng isang Juan Alfafara bunsod ng umano’y paggamit ni Dino sa kanyang puwesto para sa personal na interes, at panlalait nang tawagin na “Mga bogo silang tanan” (Mga …

Read More »

Benepisyo ng Centenarians ibigay nang mabilis – Go

Helping Hand senior citizen

UMAPELA si Senator Christopher “Bong” Go sa Department of Social Welfare and Development (DSWD)  at iba pang concerned agencies na pabilisin  ang pagbibigay ng benepisyo sa mga centenarian base sa nakasaad sa batas.   Ito ay pagsasaprayoridad sa kapakanan ng matatanda lalo ngayong mayroong kinakaharap na health crisis bunsod ng pandemyang COVID-19.   Sinabi ni Go, hindi na dapat pahirapan …

Read More »

Jeepney drivers ‘wag balewalain ng DOTr, LTFRB

NANAWAGAN si Senadora Nancy Binay sa Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na aksiyonan ang paghihirap ng mga jeepney drivers dahil sa epekto ng COVID-19.   Ani Sen. Nancy, hindi dapat paasahin ang jeepney drivers at operators nang makapagsimula na sa kanilang pamamasada.   “Sobra nang nahihilo ang ating mga tsuper sa kadi-dribble at pagpapasapasa …

Read More »

OFWs na stranded dapat nang makauwi (Sa loob at labas ng bansa)

OFW

HUMIRIT ang mga kongresista sa pamahalaang Duterte na gumawa ng paraan para maiuwi ang libo-libong overseas Filipino workers (OFWs) na ilang linggo nang nabibinbin sa ibang bansa at sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).   Ayon kay House Majority Leader at Leyte Rep. Martin Romualdez naghahanap ng paraan ang liderato ng Kamara na matugunan ang pag-uwi ng OFWs na stranded …

Read More »

Water refilling station dapat bantayan ng DTI  

NANAWAGAN si Senator Imee Marcos sa Department of Trade and Industry (DTI) na imbestigahan ang mga water refilling station para masiguro kung malinis ang ipinagbibili nitong purified water kabilang ang pagtaas ng presyo nito sa panahon ng pananalasa ng COVID-19.   Ayon kay Marcos, kalimitan ngayon ng ipinagbibiling 5-gallon water container ng purified water ay nakapagtatakang tumaas ang presyo kung …

Read More »

ATC ni Lacson idinepensang ‘pinakamabait’

HABANG kinatatakutan ng marami ang anti-terrorism bill, sinabi ni Senador Panfilo Lacson, ito ay maituturing na isa sa ‘pinakamabait’ na batas laban sa terorismo sa oras na ito’y maisabatas.   Sa rami ng safeguards na nakapaloob sa panukala laban sa pag-abuso ng mga awtoridad, naniniwala si Senator Ping na grantisado ito.   Ayon kay Lacson, kabilang sa mga pangunahing proteksiyon …

Read More »

NTC biktima ng mahinang internet connection

NTC

HINDI nakaligtas maging ang telecommunications regulator mula sa mahinang internet connection, nang hindi makadalo sa pagdinig ng Senate Basic Education Committee ang National Telecommunications Commission (NTC).   Ito sana ang panahon kung saan tatalakayin sa pagdinig ang alternative learning schemes sa ilalim ng new normal gaya ng distance at online learning.   Mababatid na tinawagan ni Senator Francis Tolentino si …

Read More »

GMRC, Values Education ibinalik ng palamurang si Presidente Duterte

IBINALIK ng isang Pangulo na mahilig magmura at magbanta, ang isang batas na itinatakda ang pagtuturo ng Good Manners and Right Conduct (GMRC) and Values Education sa elementary at high school. Nilagdaan kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11476 na nagsasaad na dapat isama sa K-12 curriculum ang komprehensibong GMRC at Values Education program kapalit ng Edukasyon sa …

Read More »

Home quarantine tablado kay Goma

HINDI pabor si Ormoc City Mayor Richard Gomez sa eskemang ‘home quarantine’ para sa returnees sa kanilang siyudad mula sa Metro Manila at iba pang karatig lugar. Sinabi ng akalde na mas malaki ang tsansa na kumalat ang coronavirus disease (COVID-19) at magkaroon ng community transmission kapag ipinatupad nila ang home quarantine sa kanilang siyudad. Katuwiran ni Gomez, sa kulturang …

Read More »

Ex-NPC president, 3 pa absuwelto sa 2 kasong Libel

ABSUWELTO ang dating Pangulo ng National Press Club of the Philippines (NPC) sa dalawang bilang ng kasong Libel na inihain ng isang police officer noong 2015. Kasamang inabsuwelto ni Jerry Yap, kolumnista at publisher ng HATAW D’yaryo ng Bayan; sina Gloria Galuno, managing editor; at Edwin Alcala, circulation manager. Sa ikalawang kaso ng Libel, kapwa absuwelto rin sina Yap at …

Read More »

Sa Palawan… 2 menor de edad ikinandado sa loob ng quarantine facility

IKINANDADO sa loob ng isang quarantine facility ang dalawang menor de edad na nabatid na kababalik pa lamang sa sa bayan ng Roxas, sa hilagang bahagi ng lalawigan ng Palawan. Ayon kay Barangay Tinitian chairman Andrew Goldfarb, noong Miyerkoles, 24 Hunyo, ikinadena nila ang pasilidad upang matiyak ang kaligtasan at walang masamang mangyari tuwing gabi sa dalawang batang nasa loob …

Read More »