Sunday , May 19 2024

News

P1-M pabuya vs dumukot sa Hyrons couple

bagman money

HANDANG magbigay si Zam­boanga del Sur Gover­nor Victor Yu ng P1 milyong pabuya sa makapagbibigay ng impormasyo0n sa pagka­kakilanlan at kinaroroonan ng mga dumukot sa mag-asawang Hyrons sa bayan ng Tukuran noong Biyernes ng gabi, 4 Oktubre. Sa isang pahayag, sinabi ni Yu, umaasa siyang mapa­bibilis ang pagliligtas sa mga biktima kung mag-aalok siya ng pabuya. Nanawagan si Yu sa …

Read More »

Operators ng PUV binalaan: Kapag hindi sumunod sa modernisasyon prankisa tatanggalin

jeepney

BINALAAN ng Kagawaran ng Transportasyon (DoTr) ang lahat ng mga operator ng public utility vehicle (PUV) na maaari silang maalisan ng prankisa kapag nagpatuloy sila sa pagtutol sa PUV Modernization Program ng pamahalaan hanggang sa palugit na itinakda sa susunod na taon. Ayon kay transportation undersecretary Mark De Leon, bibigyan ng paalala ang PUV operators ukol sa requirements at regulasyon ng …

Read More »

Gustong bumili ng bahay… Sekyung nangholdap ng binabantayang banko kalaboso

arrest posas

IMBES makabili ng bahay, naghi­himas ng malamig na rehas sa kulungan ang isang security guard na nabigong holdapin ang binabantayng banko sa lungsod ng Sta. Rosa, lalawigan ng Lagu­na, nitong Lunes ng umaga, 7 Oktubre. Sa ulat ng pulisya, kabubu­kas ng Prestige Bank pasado 9:00 am, nang magdeklara ng holdap ang guwardiyang kinila­lang si Romeo Dimaano Jr., 34 anyos, at …

Read More »

Isko: second hand cellphone bawal itinda sa Isetann mall

BAWAL nang magtinda ng nakaw na cellphone ang Isettan Mall. Ito ang babala ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa mall kasabay ng banta na ipasasara kapag napa­tunayang nagkukubli ng mga vendor na nagbebenta ng nakaw na cellphone. Ginawa ng alkalde ang babala matapos maiulat na isang estudyante sa university belt ang naholdap nito lamang nakaraang linggo. Dahil umano …

Read More »

‘Umalingasaw’ na baho ng PNP, Palasyo ‘di natitigatig

PABOR ang Palasyo sa labasan ng baho ng mga opisyal ng Philippine National Police (PNP). Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi naba­bahala ang Palasyo sa batuhan ng akusasyon ng matataas na opisyal ng PNP kaysa magtakipan. “Hindi ba mas maganda nga iyon para lumalabas iyong baho sa isang organisasyon, ‘di ba? Kung may naglalabas diyan na kontra sa …

Read More »

Colonels ‘di generals, plus ‘Ninja cops’ kakastigohin ni Digong (Nalito sa superintendent)

pnp police

INILINAW ni Pangulong Rodrigo Duterte  na wa­lang heneral na sangkot sa illegal drugs kundi colonel lamang. Ang paglilinaw ay ginawa ng Pangulo sa kanyang media interview sa Davao City kahapon nang dumating siya mula sa Russia. “Alam mo I must admit my ignorance actually. Iyong ranggo kasi no’ng nauso ‘yang sup-sup, superintendent tapos kung ano-anong… Kaya sa panahon ko sabi ko …

Read More »

2 generals, ‘ninja cops’ binantaan ni Digong (Maghanda pagbalik sa PH)

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na tutuldukan niya ang korupsiyon sa pulisya sa natitirang mahigit dala­wang taon ng kanyang administrasyon. “Pero anyway, before I — ito igarantiya. Before my term ends, I have two years and so many months left. Ubusin ko talaga itong mga p***** i** na ‘to,” aniya sa talum­pati sa harap ng Filipino community sa Russia kamakalawa …

Read More »

Putin walang Crackdown vs Pinoys sa Russia

GINARANTIYAHAN ni Russian President Vladimir Putin kay Pangulong Rodrigo Duterte na hindi maglulunsad ng crackdown ang kanyang pamahalaan laban sa undocumented Pinoy workers. “Secretary Bello is working on an agreement na kayong nandito staying — overstaying or have had problems, there will be — they will be covered with an under­standing,” anang Pangulo sa kanyang talumpati sa harap ng Filipino …

Read More »

Pulis inatake sa puso habang nasa training idineklarang patay

HINDI na umabot nang buhay nang isugod sa pagamutan ang isang aktibong pulis habang nag-eehersisyo sa loob ng kampo sa Taguig City, nitong Miyerkoles. Pinaniniwalaang inatake sa puso ang biktimang si P/SSgt. Victorino Oreiro, Jr., 39, naka-talaga sa Police Community Precinct (PCP-3) ng Taguig City Police Station. Sa ulat ng Southern Police District (SPD), dakong 6:00 am, nangyari ang insidente …

Read More »

Wanted person nakipagbarilan sa parak tigbak

dead gun

PATAY ang  isang lalaking wanted sa Valenzuela City matapos makipagbarilan sa mga pulis na nagsisilbi ng arrest warrant laban sa kanya sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Carlito Gaces ang suspek na si Dominic Batin, ng Don Simeon St., Mapulang Lupa na hindi umabot nang buhay sa Valenzuela City Medical Center (VCMC) sanhi ng tama ng …

Read More »

Mapua, binulabog ng bomb threat (Pekeng IED natagpuan)

BINULABOG ng bomb scare ang Mapua University kahapon ng umaga mula sa nagpakilalang miyembro ng ‘New People’s Army (NPA)’ sa Intramuros, Maynila ngunity kalaunan ay natuklasang ‘hoax’ at bomb scare ang naganap. Dahil dito, tuluyan nang sinuspende ng Mapua manage­ment ang klase at ipina­tupad ”Digital Day” o ang klase ay gaganapin online. Nabatid na isang text message, mula sa hindi inilabas na numero …

Read More »

Seksi pero senglot na modelo ng Star Magic nang-araro ng 5 motorsiklo (3 sugatan)

SUGATAN ang tatlo katao makaraang araro­hin ng isang sports utility vehicle (SUV) ang limang motorsiklo na sumalpok sa isang lote sa Pablo Ocampo St., kanto ng Adriatico St., sa Malate, Maynila, kahapon ng madaling araw. Sa pahayag ng mga residente sa lugar, mabilis ang andar ng kulay itim na Mitsubishi Montero na sumagasa sa limang motorsiklo. Kinilala ang driver ng …

Read More »

Power rectifier ng LRT2 station sa QC nasunog

NAG-PANIC ang commuters ng Light Rail Transit (LRT2) nang sumiklab ang apoy mula sa power rectifier ng tren sa pagitan ng Katipunan at Anonas stations sa Quezon City, nitong Huwebes ng umaga. Ayon sa mga pasa­hero, nang mapansin nilang nagliliyab ang bagon at nagbukas ang pintuan, mabilis silang naglabasan sa tren at naglakad sa riles upang makababa agad. Agad nakapag­res­pon­de ang …

Read More »

Paliwanag sa “One-time, big-time” oil price hike hiningi… DOE nagbanta vs oil companies

oil lpg money

POSIBLENG masam­pahan ng kaso ang mga kompanya ng langis at matanggalan ng certi­ficates of compliance kapag hindi nabigyang katuwiran sa loob ng tat­long araw ang ipinatupad na “one-time, big-time” oil price hike. Sinabi ni Energy Assistant Secretary Bodie Pulido, pinadalhan ng “show-cause order” ng Department of Energy (DOE) ang mga kompan­ya ng langis para pag­paliwanagin kung bakit nagpataw ng “one-time, …

Read More »

Star City tinupok ng ‘koryente’ (Nagsimula sa Snow World?)

MALAMLAM at hindi ririkit ang mga bituin sa kinagigiliwang amusement park ngayong Pasko matapos tupu­kin ng naglalagablab na apoy sa 14-oras na sunog ang Star City na nasa Roxas Blvd., Pasay City, na nagsi­mula kahapon ng madaling araw. Sa mga unang ulat, sinabing ang sunog ay nagsimula sa Snow World ng paboritong amuse­ment park ng mga bata kasama ang kanilang …

Read More »

Kalalaya sa nilabag na City Ordinance… Chinese national muling naaresto dahil sa mabahong kuwarto sa hotel

ISANG Chinese national na kalalaya pa lamang sa detention cell, ang muling dinakip ng mga awtoridad nang marekober ang ilang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu at mga bala ng baril sa inuupahang kuwarto sa isang hotel sa Pasay City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang suspek na si Yin Xuan Sun, 22, office staff, residente sa Chengdu, Sichuan, China. Base …

Read More »

Anak ng DOH official… 22-anyos UP student leader nagbigti matapos magbitiw sa council dahil sa hazing

hazing dead

HINDI naisalba ng ina ang buhay ng 22-anyos student leader ng University of the Philippines College of Mass Communication (CMC) nang matagpuang nakabigti sa karate belt na isinabit sa cabinet sa loob ng kanilang bahay sa Marikina City nitong Sabado ng hapon. Kinilala ang biktimang si Ignacio Enrique “Nacho” Domingo, anak ni Depart­ment of Health Under­secretary Rolando Enrique “Eric” Domingo, …

Read More »

Lacson, Drilon ‘obstruction’ sa reporma ni Digong

HADLANG sa mga repormang nais ipatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ginagawang pagbatikos nang walang basehan nina Senate Minority Leader Franklin Drilon at Senator Panfilo Lacson sa ipinasang national budget para sa 2020 ng Kamara, ayon sa ilang lider ng Kongreso.  Ayon kay Deputy Speaker Henry Oaminal, kinatawan ng 2nd dis­trict,  Misamis Occi­dental, may panahon naman para kilatisin ng Senado …

Read More »

PhilRice exec natagpuang patay sa loob ng kotse sa Nueva Ecija

NATAGPUANG wala nang buhay ang isang division head ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) sa loob ng kaniyang kotse sa bayan ng Talavera, sa lala­wigan ng Nueva Ecija noong Martes, 24 Setyem­bre. Kinilala ni P/Col. Leon Victor Rosete, hepe ng Nueva Ecija Police Provincial Office, ang biktimang si Roger Barroga, hepe ng PhilRice Information System Division, na nakitang patay dakong …

Read More »

DOE ‘tumuga,’ may mali sa bidding sa House hearing

electricity brown out energy

INAMIN ng Department of Energy (DOE), sa pamamagitan ng budget sponsor sa kakatapos na House plenary debate sa proposed P4.1-trilyong national budget para sa susunod na taon, ang maaaring ‘costly faults’ sa 2018 department circular (DC) na sakop ang ‘bidding’ para sa power contracts. Walang nagawa si DOE budget sponsor, Appropriations Committee vice chairman at Zamboanga City 2nd district Rep. …

Read More »

Tren na biyaheng Sorsogon ikatutuwa ng mga Bikolano

train rail riles

UMAASA si Rep. Rowena Niña Taduran ng ACT-CIS  Party-list na ang pagbuhay ng tren sa Bikolandia ay magdadala ng pag-unlad sa mga ba­yan na daraanan ng pro­yekto. Ayon kay Taduran, nagmula sa Iriga City sa Camarines Sur,  ang “test run” na ginawa ng Philip­pine National Railways (PNR) mula Tutuban sa Maynila hanggang sa Naga at Iriga City ay nagbibigay ng …

Read More »

Ulo ng usa galing Guam nasabat sa Customs

customs BOC

NAKOMPISKA ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang ulo ng isang usa na ipinasok sa bansa mula sa Guam nang walang karampatang permit. Ang ulo ng usa, nasa isang parcel na idineklarang mga gamit sa bahay at personal effects ay natuklasan sa Manila International Container Port (MICP). Agad dinala sa Department of Environmental and Natural Resources (DENR) ang …

Read More »

Nagpasabog sa seafood resto huli sa checkpoint (Malapit sa Malacañang)

checkpoint PNP police War on Drugs Shabu

ISANG rider na tinang­kang lusutan ang inilatag na police checkpoint ang dinakip matapos mahu­lihan ng droga at granada sa Quezon City. Natuklasan, ang rider na nahuli sa checkpoint ay siyang nagpasabog ng granada sa isang seafood restaurant malapit sa Malacañang, nitong 14 Setyembre. Iniharap sa media nina NCRPO Chief P/Maj. Gen. Guillermo Elea­zar at  Acting Quezon City Police District (QCPD) …

Read More »