Thursday , June 25 2026
No Facemask

2 mister tiklo sa P126K shabu sa Caloocan (Nasitang walang suot na facemask)

KULUNGAN ang kinabagsakan ng dalawang mister matapos makuhaan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu nang sitahin ng mga pulis dahil walang facemask sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Caloocan City chief of police P/Col. Samuel Mina, Jr., ang naarestong mga suspek na sina Richard Cenon, alyas Empoy, 46 anyos, at Emar Villanueva, 44 anyos, pintor, kapwa residente sa Brgy. 154, Bagong Barrio.

Ayon kay Col. Mina, nagsagawa ng verification ang mga tauhan ng Bagong Barrio Police Sub-Station sa ilalim ng pamumuno ni P/Lt. Julius Villafuerte hinggil sa natanggap na text message mula sa concern citizen na ipinadala sa NCRPO SMS hotline “Isumbong mo kay RD!”

Dakong 12:20 am, nang dumating sa Consejala St., Brgy. 154, Bagong Barrio, nakita ng mga pulis ang dalawang nakatayong lalaki na walang suot na facemask.

Nang lapitan ng mga pulis upang alamin ang kanilang pagkakilanlan para isyuhan ng Ordinance Violation Reciept (OVR), tumakbo ang mga suspek at tinangkang tumakas kaya’t hinabol sila ng mga pulis hanggang makorner at maaresto.

Nang kapkapan, nakuha sa mga suspek ang anim na sealed transparent plastic sachets na nag­lalaman ng tinatayang 18.66 gramo ng hini­hinalang shabu, may standard drug price P126,888.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Art. 151 of  RPC at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Insta360 Luna Ultra 1

Insta360 Launches Luna Ultra and Expands Retail Presence Across the Philippines
Leica Co-Engineered Gimbal Camera Leads Brand’s Growth to 50 Stores Nationwide

Insta360 officially introduced the Luna Ultra in the Philippines, marking the brand’s entry into the …

Mini-casino sa peryahan sa Bulacan at Pampanga, untouchables

Mukhang tigasin ang mga operator ng dalawang peryahan na matatagpuan sa Lias, Marilao, Bulacan at …

Camille Villar

Villar nanawagan
Mas matibay na seguridad, pinalawak na suporta para sa kalusugang pangkaisipan

NAGPAHAYAG si Senator Camille Villar ng matinding kalungkutan at pag-aalala kaugnay ng trahedyang pamamaril sa …

Multinational Village HOA DHSUD

DHSUD sinugod
Multinational Village residents nagsumbong kay Sec. Aliling Overstaying HOA officers patalsikin

SUMUGOD sa tanggapan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang mga residente …

Nartatez PNP

2 pulis timbog sa rape at pambubugbog ng misis

INARESTO ang dalawang aktibong pulis na may magkahiwalay na kaso ng rape at domestic violence …