MTRCB, binigyan ng G rating bagong ‘Doraemon’ anime film, R-13 sa tatlo pang pelikula
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
MAPAPANOOD na ang bagong installment sa sikat na “Doraemon” franchise sa mga sinehan tapos itong bigyan ng G rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
Tiyak na magugustohan ng mga bata at ng mga anime otaku ang Doraemon The Movie: New Nobita and the Castle of the Undersea Devil, na ekslusibong ipinapalabas sa SM Cinemas. Ito ang 45th “Doraemon” feature film at tampok dito ang boses nina Mizuta Wasabi bilang Doraemon at Ohara Megumi bilang Nobita.
Ayon sa MTRCB, ito ay isang adventure story na naglalaman ng mga aral ukol sa mundo sa ilalim ng dagat. Tinuturuan din nito ang mga bata na maging environment-friendly at magkaroon ng malasakit sa kapwa.
“The film promotes positive values and is appropriate for audiences of all ages,” sabi ng Ahensiya, na binigyan ito ng G rating dahil angkop ito sa lahat ng manonood.
Samantala, binigyan ng R-13 rating ang tatlo pang kaabang-abang na pelikula.
Ang epic fantasy action movie, “The Odyssey,” ay binigyan ng R-13 rating dahil sa “infrequent and non-graphic depiction of violence and suffering, mature themes” na hindi angkop sa mga edad 13 at pababa.
Bida rito sina Matt Damon bilang si Odysseus at si Anne Hathaway bilang si Penelope, ang asawa ni Odysseus.
Ito ay halaw sa ancient Greek epic poem na may malalim na elemento ng mitolohiyang akda ni Homer at ikinukuwento ang mahabang paglalakbay ni Odysseus pagkatapos ng Trojan War. Kasama sa ensemble cast sina Tom Holland, Lupita Nyong’o, Zendaya, Charlize Theron at iba pa.
R-13 rating naman ang ibinigay sa South Korean feature film, “The Second Child,” na pinagbibidahan nina Lim Soo-jung, Park So-yi at Yuna. Ang horror-mystery flick ay may “mature themes concerning depression and suicide” at “infrequent depictions of horror and frightening scenes” na hindi angkop sa edad 13 at pababa.
Ang sci-fi action thriller na “Superhuman”, tampok si Christopher Mark ay may R-13 rating. Dapat abangan ang mga maaksiyong martial arts scene nito. Ekslusibong ipinapalabas ito sa Megaworld Cinemas. Sa pagbibigay ng R-13 rating sa pelikulang ito, binanggit ng MTRCB ang mga “infrequent and non-graphic depiction of violence and suffering, prolonged violent fight sequences, mature themes of mind alterations” na hindi bagay sa mga edad 13 at pababa.
Ang G o General Audience rating ay para sa lahat ng edad, habang ang PG rating o Parental Guidance ay kailangang kasama ng mga bata ang isang magulang o guardian. Ang R-13 rating ay para sa edad 13 at pataas, samantalang ang R-16 ay para sa edad 16 at pataas. Ang R-18 rating naman ay para sa mga nasa wastong edad.
Hinikayat ni MTRCB Chair at CEO Lala Sotto ang mga magulang na isaalang-alang lagi ang mga classification ratings bilang gabay sa panonood ng kanilang mga anak.
“Bagama’t karamihan sa mga pelikula natin ngayong linggo ay angkop sa mga batang manonood, pinaaalalahan pa rin namin ang mga magulang na gabayan silang maigi sa panonood ayon sa kanilang edad at pang-unawa,” paliwanag ni Sotto.
“Nais namin na may matutuhan ang ating mga anak sa mga mapapanood nila sa mga teatro — hindi lamang sa kultura, kundi pati sa pagpapahalaga at tamang-asal,” dagdag ng MTRCB Chair.
