Marky Lagdameo, tampok na designer sa Milestone Market and Bridal Fest
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
ANG designer na si Marky Lagdameo ang tampok sa “Milestone Market and Bridal Fest” na gaganapin sa Madison 101 Hotel + Tower sa New Manila, Quezon City sa July 18 & 19, 2026.
Siya ay former Rising Star TV5 artist na ang screen name noon sa showbiz ay Khenzuya Yamamoto.
Si Marky ay isang multifaceted visionary na kilala sa kanyang makabuluhang kontribusyon sa sining, musika, at fashion. Patuloy na nagbibigay ng inspirasyon si Marky sa pamamagitan ng pagkamalikhain, inobasyon, at layunin. Bilang creative force sa likod ng Creative Empire, kilala siya sa paghahalo ng tradisyonal na mga teknik at kontemporaryong tema, na lumilikha ng mga gawaing sumasalamin sa mga naratibong kultural at isyung panlipunan habang nagbibigay ng boses sa mga hindi underrepresented.
Higit pa sa fashion, si Marky ay isa rin mahusay na musikero at producer na nagbibigay ng authenticity at passion sa bawat proyekto. Ang kanyang mga avant-garde na disenyo sa fashion ay humahamon sa mga kombensiyonal na pamantayan habang nagsusulong ng sustainability, inclusivity, at kalayaang pansining.
Kinilala sa maraming karangalan kabilang ang prestihiyosong Global Iconic Aces Award, si Marky ay nananatiling dedikado sa pagbibigay-kapangyarihan sa mga komunidad at pagbibigay-inspirasyon sa mga susunod na henerasyon sa kanyang mga obra.
Makakasama sa runway na ito sa Milestone Market and Bridal Fest upang ipakita ang Creative Empire Homme And Femme Bridal Collections sina Lance Raymundo, CEO ng Beyoutural Organics na si Dr. Tomo Nenuco Nomoto, ang CEO ng RAL Inspired Perfumes na si Ms. Rhona Argarin Landangan, Charles Emmanuel, Yukii Chan, at Mirko Ajero.
Pahayag ni Marky, “This is a modern bridal collections, pinaghalong modern and sinamahan ng art and creativity. Very playful and siyempre nandiyan ang elegance, hindi mawawala…
“Inspirasyon ko rito ang Dolce & Gabbana at Balenciaga, plus siyempre, ang latest collection ni Pharrell Williams sa recently held niyang show sa Louis Vuitton.”
