Pamahalaan ipinagmamalaki world-class vaccine storage at distribution systems ng PharmaServ Express
IPINAGMAMALAKI ng gobyerno ang isang world-class na logistics system para sa distribusyon ng bakuna, sa tulong ng internationally compliant cold chain at delivery systems ng PharmaServ Express na nagsisiguro sa kaligtasan at bisa ng mga bakuna mula sa pag-iimbak hanggang sa paghahatid hanggang sa malalayong komunidad sa bansa.
Matagal nang nagsasagawa ng distribusyon ng bakuna ang PharmaServ Express, na nagdala ng makabago at world-class na teknolohiya sa bansa bago pa man nangyari ang COVID-19 pandemic.
“Our technology meets the highest international standards for vaccine storage and transport,” wika ni PharmaServ Express President Andrian Perez.
“As a dedicated life science logistics provider, we’ve invested in superior, globally compliant cold chain systems, specialized bio-thermal packaging, and real-time visibility solutions—significantly enhancing the country’s capability to preserve and account for every vaccine from storage through distribution,”dagdag pa niya.
Bago naging katuwang ang PharmaServ Express noong 2017, gumagamit lamang ang Department of Health (DOH) ng mga styrofoam box at ice pack para sa pag-iimbak at paghahatid ng mga bakuna. Ipinakilala ng kompanya ang internationally compliant at world-class standard na bio-thermal cases at cold chain packaging solutions.
Isa sa pinakamahalagang inobasyon nito ang paggamit ng ISTA (International Safe Transit Association)-validated bio-thermal packaging systems na kayang panatilihin ang kinakailangang temperatura ng hanggang 168 oras. Dahil dito, nananatiling ligtas at epektibo ang mga bakuna kahit sa malalayong biyahe patungo sa mga geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs).
Sa pamamagitan ng mga inobasyong ito, ang bawat bakunang ipinamamahagi ng DOH ay naihahatid sa ilalim ng mahigpit na temperature-controlled conditions, mula 2-8 degrees Centigrade hanggang -80 degrees Centigrade. Nakatutulong ito upang mapanatili ang bisa at potency ng mga bakuna hanggang makarating ang mga ito sa mga health facility at vaccination site sa buong bansa.
Mayroon ding real-time visibility at end-to-end traceability ang sistema, na nagbibigay sa DOH ng live temperature at location monitoring para sa bawat shipment upang matiyak na walang bakunang hindi natutunton habang nasa biyahe.
“By pairing precision cold chain with real-time visibility, PharmaServ Express gives the DOH complete traceability—the ability to track, verify, and prove vaccine integrity at every stage of the journey,” ani Perez.
Mayroon ding mga sertipikasyon ang PharmaServ Express tulad ng Good Distribution Practices of the World Health Organization (GDP-WHO), Hazard Analysis and Critical Control Points (HACCP) for Pharmaceuticals, at ISO 14001 para sa environmental management, na nagpapatunay sa pagsunod nito sa mga kinikilalang pandaigdigang pamantayan sa pharmaceutical logistics at environmental safety.
Ang PharmaServ Express ang nagsisilbing pangunahing service provider ng DOH para sa National Immunization Program (NIP), na sila ang nangangasiwa sa paghawak at paghahatid ng mga bakuna sa iba’t ibang Regional Health Office para sa pagbabakuna ng mga bata at kanilang mga ina.
Mas pinalawak pa ng kompanya ang serbisyo nito noong panahon ng pandemya ng COVID-19 sa pamamagitan ng paghawak, pag-iimbak, at paghahatid ng mga bakunang ipinadala sa iba’t ibang lugar sa buong bansa.
