Thursday , October 21 2021

Davao City 7-straight weeks no. 1 sa Covid-19 (Mas mahigpit na restrictions inihirit ng OCTA Research)

HATAW News Team

PITONG linggo nang nangunguna ang Davao City sa may pinaka­mataas na CoVid-19 cases sa bansa simula noong buwan ng Hunyo, batay sa datos ng Department of Health (DoH).

Simula 7 Hunyo hanggang 19 Hulyo, nakapagtala ang Davao City ng pinakamataas na bilang ng kaso ng CoVid-19 araw-araw kompara sa iba pang high-risk cities na kinabibilangan ng Cebu, Bacolod, Iloilo, Makati, Cagayan de Oro, Baguio, General Santos, Laoag, Lapu-Lapu, at Butuan.

Sinang-ayonan ito ng OCTA Reseach Group, sa  kanilang monitoring list na may petsang 13 Hulyo hanggang 19 Hulyo, nasa 219 ang naitalang kaso sa Davao, mababa ito sa 226 kaso noong Linggo, gayonpaman, una pa rin ito sa talaan na may  pinakamaraming kaso kompara sa Quezon City a nakapagtala ng 124 kaso, Cebu City, 124, Manila, 104, Bacolod, 96, at Iloilo, 95.

Nabatid, ang CoVid-19-related deaths sa Davao sa nasabing period ay nasa 2.72%, mas mataas ito kompara sa mas malaking siyudad ng Quezon City na nasa 1.47%.

Pagdating sa utilization ng Intensive Care Unit ay 96% ang Davao habang 97% sa Iloilo iCity.

Ayon kay OCTA Research Fellow Ranjit Rye, ang pitong linggong dere-deretsong mataas ang kaso ng CoVid cases ng Davao ay indikasyon na hindi gumagana ang estratehiyang ipina­tutupad kaya dapat itong baguhin at maglatag ng bagong polisiya.

Ani Rye, hindi nila inirerekomenda ang modified enhanced community quarantine (MECQ)  bagkus ay general community quarantine (GCQ) na mas “upscale” ang restrictions at kanila umanong ipinauubaya ang desisyon kay Davao City Mayor Sara Duterte upang mabilis na mapababa ang kaso.

Giit ni Rye, ang Davao ang epicenter sa Mindanao kaya naman unang dapat tutukan ang mga kaso sa siyudad lalo at hindi biro, na walang pagbabang nangyayari sa daily cases na naitatala.

Noong 5 Hunyo hanggang 20 Hunyo ay isinailalim sa MECQ ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang Davao City ngunit kung titingnan ang datos ng DOH ay tumaas pa ang impeksiyon imbes bumaba kompara sa Iloilo City at Cebu City na nagkaroon ng biglaang pagbaba sa kanilang kaso nang mailagay sa MECQ.

“Ito ‘yung sinasabi natin na baka ‘yung strategy na ginawa ay hindi nagwo-work, baka ang dapat gawin, although GCQ ay with heightened restrictions para once and for all ma-manage na ‘yung situation,” dagdag ni Rye.

Sa ngayon, wala pang komento ang Davao city government sa pinakahuling report ng DOH at OCTA Reseach.

About hataw tabloid

Check Also

Colin Powell

First Black American Secretary of State
COLIN POWELL PATAY SA COVID-19 COMPLICATIONS

BINAWIAN ng buhay si Colin Powell, isang retired four-star general na naging kauna-unahang Black US …

Covid-19 fully vaccinated senior citizen

FULLY VACCINATED SENIOR CITIZENS, PUWEDE NANG ‘MAGLAMYERDA’

PINAPAYAGAN na ang mga fully vaccinated senior citizen na makalabas ng bahay at makapasyal sa …

102021 Hataw Frontpage

Kaban ng bayan ‘pinadugo’ ni Duterte,
GRAND CONSPIRACY SA P12-B DEAL SA PHARMALLY BINASBASAN

ni Rose Novenario MAY basbas at kumpas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang maaanomalyang Pharmally deals …

TCI, Dito, Globe, Smart

SUBSCRIBERS LUMIPAT SA DITO NAPAKATITING

TALIWAS sa inaasahan ay napakaliit na bilang lamang ng mga subscriber ang nagpalit ng network …

PLUNDER, GRAFT CASE VS BELMONTE, BLACK PROGANDA — ATTY. CASIMIRO

BALEWALA ay Quezon City Mayor Joy Belmonte ang akusasyong ‘plunder’ at ‘graft’ na inihain laban …

Leave a Reply