Thursday , October 21 2021

Rider patay sa hit and run (Truck driver arestado)

SA MAAGAP na pagresponde ng pulisya gayondin sa tulong ng CCTV footage at testigo, naaresto ang isang truck driver na responsable sa pagkamatay ng isang motorcycle rider sa Cagayan Valley Road, Brgy. Anyatam, sa bayan ng San Ildefonso, lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles ng umaga, 21 Hulyo.

Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Carl Omar Fiel, hepe ng San Ildefonso Municipal Police Station (MPS), kinilala ang arestadong suspek na si Vandal Marquez, residente sa Brgy. Mangino, lungsod ng Gapan, lalawigan ng Nueva Ecija.

Nabatid na minamaneho ni Marquez ang isang Isuzu trailer truck, may tractor head plate no. AFA-7913 na sinasabing suspek sa pagkamatay ni Jospher Cuevas ng Brgy. Makapilapil, sa nabanggit na bayan.

Batay sa imbestigasyon, aksidenteng dumulas ang motorsiklong minamaneho ni Cuevas pababa nang mag-overtake sa kanang bahagi ng lansangan na naging sanhi ng pagkahulog nito sa sementadong kalsada hanggang magulungan ng trailer truck ang ulo ng biktima na kanyang ikinamataysamantala ang angkas niya ay bahagyang nasugatan.

Imbes huminto, sumibat ang trailer truck papuntang norte kaya agad nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga tauhan ng San Ildefonso MPS.

Sa tulong ng kuha ng CCTV at testigo, agad naaresto ang suspek sa loob ng kanilang garahe sa Brgy. Castellano, bayan ng San Leonardo, lalawigan ng Nueva Ecija. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Colin Powell

First Black American Secretary of State
COLIN POWELL PATAY SA COVID-19 COMPLICATIONS

BINAWIAN ng buhay si Colin Powell, isang retired four-star general na naging kauna-unahang Black US …

Covid-19 fully vaccinated senior citizen

FULLY VACCINATED SENIOR CITIZENS, PUWEDE NANG ‘MAGLAMYERDA’

PINAPAYAGAN na ang mga fully vaccinated senior citizen na makalabas ng bahay at makapasyal sa …

102021 Hataw Frontpage

Kaban ng bayan ‘pinadugo’ ni Duterte,
GRAND CONSPIRACY SA P12-B DEAL SA PHARMALLY BINASBASAN

ni Rose Novenario MAY basbas at kumpas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang maaanomalyang Pharmally deals …

TCI, Dito, Globe, Smart

SUBSCRIBERS LUMIPAT SA DITO NAPAKATITING

TALIWAS sa inaasahan ay napakaliit na bilang lamang ng mga subscriber ang nagpalit ng network …

PLUNDER, GRAFT CASE VS BELMONTE, BLACK PROGANDA — ATTY. CASIMIRO

BALEWALA ay Quezon City Mayor Joy Belmonte ang akusasyong ‘plunder’ at ‘graft’ na inihain laban …

Leave a Reply